Tanging ang ingay na nagmula sa patak ng ulan ang naririnig ko sa paligid ngayon. Walang ibang tao at parang ako lang ang natitirang nilalang na nabubuhay sa mundo ngayon.
Ang paligid ay sinasakop na ng kadiliman na naging resulta sa unti-unting pagsuko ng natitirang ilaw mula sa poste.Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, Kahit na katiting na takot ay wala akong naramdaman. Kahit na alam kong maraming nagtatagong masasamang tao at mababagsik na hayop sa madilim na paligid ay hindi ako natutubuan ng takot or paki-alam. Kahit gaano pa kadilikado ang mundo, wala talaga akong nararamdaman.
Sa totoo lang, minsan, napaisip ako,
anong klaseng Gatas ba pinainom nila saakin noon? ba't ganito ako ka tibay?, Bear brand? or bonakid?🤔🤔🤔
Napailing nalang ako sa sarili at binuksan ang pinto.
Agad namang umingay ang nakasabit na bell sa pintuan.
*cling!!!**cling!!!*Tinanggal ko ang sapatos na may matulis na heels sa paa ko at sunod kong hinubad ang aking jacket.
"Oh apo? nandito ka na pala. Kamusta ang laban mo?"
"Boring parin..."
"Nanaman? Ayan kasi! hindi na masyadong kumakain ng gulay ang mga kabataan ngayon. Naging sagabal tuloy sila pagdating sa Laban."
"sinabi mo pa. Anong ulam grandma?"
"hilaw na ampalayang nilunod sa konting vinegar at kamatis apo-- teka, akin na yang jacket mo,."
kumunot ang noo ko,
"Nanaman!?""Oh? nagrereklamo ka?" inosente niyang tanong saakin.
minasahe ko ang sintido ko at hindi makapaniwalang tumingin sakanya
"seryoso!?""Oo nga kasi!, maligo kana nga! ang basa-basa mo na oh! Atsaka gumamit ka ng malang trapong pampunas sa sahig ah?, baka madulas tayo kung hindi napunasan yan, sigurado akong pagsisihan mo forever pagnadulas tayo,"
naays~ nautusan pa----atsaka,
fyi..... 'WALANG FOREVER!'😑😑😑
Padabog akong pumasok sa banyo at kumuha ng malang trapo..
------
*****************************AMPA-EEYT!! 😣
ba't ba ang panget ng lasa nitong ampalaya?
"ba't ganyan ka makatingin sa ulam? kumain ka ng maayos, nag-effort akong lutuin yan."
WOW~ ang sarap ng effort ah? nayys!
"Bukas na ang pasukan.."
"oh? ano ngayon?"
"Kompleto na ang mga gamit mo sa bag, matulog ka ng maaga ngayon dahil balik iskul kana bukas."
nangunot bigla ang noo ko,.. kelan pako nag enroll? "T-Teka-teka.. ako? mag-aaral bukas?, as in bukas?--""ihahatid kita bukas sa school mo, kaya siguraduhin mong gigising ka ng maaga bukas, kung hind--"
"..grandma, anong ginawa mo?" sigurado akong nangdidilim na ang itsura ko ngayon, pero nagawa ko pa rin na tanungin siya sa mahinahong paraan.
"anong ginawa ko? ano nga ba ang ginawa ko? ang pagpasok ko sayo sa isang mamahaling eskwelahan? or ang nangutang sa banko?"
automatic na bumilog ang mata ko "ANOOOO!!??"
Agad namang tinakpan ni grandma ang kanyang bibig "pakshet! nadulas, eheheheheh~!!"
Inis kong kinamot ang buhok ko at kinain lahat ng ampalayang nasa plato ko. Hindi ko na malasahan ang pait, ngunit kulang pa..
Kinuha ko ang bowl na puno ng ampalaya at nag-umpisang kainin ang lahat ng laman.
"dahan-dahan lang apo, walang aagaw sayo niyan--"
