Papasok na kami sa gate ng Sta. Monica Village kung saan kami nakatira. Tapos, naghiwalay na kami ng daan dahil hindi kami mag ka street. Ilang sandali lang ay parang naramdaman kong may nakasunod sakin. Pero ipinagsawalang bahala ko na lang iyon.
Ngunit, hindi pa rin ito tumitigil. Tumingin ako sa likod ko, pero pagharap ko halos mamatay ako sa gulat.
"Sinusundan mo ba ako?" Nakakapang hinala lang kasi. Kanina, alam niya agad ang pangalan ko tapoa ngayon sinusundan niya ako. Yes, siya si Paul.
"Oo, bakit masama? Hindi ko naman ito gagawin kung hindi ito ipinagutos." Huh? Ano daw? Ipinagutos?
"Ano?! Sabog ka ba? Ano-anong pinagsasabi mo! Chee! Maka-alis na nga." Naghihinala na talaga ako sakanya. Tumakbo na ako dahil malapit na rin naman ang bahay namin. Hindi ko na rin siya tinapunan ng tingin. Pero, bakit ang gaan ng loob ko sakanya? Kahit na parang SABOG siya e parang ang tagal tagal na naming magkakilala.
Pumasok na ako ng gate at isinarado ito. Pero may nahagip ang mata ko. Malayo siya, at nakatingin saakin. Sino kaya yun?
Hindi ko na lamang pinansin 'yun. Pumasok na ako sa bahay at nadatnang naglalagay na ng plato sa lamesa si Mama, si Papa naman ay may kausap sa phone.
"Ate Kiarraaaaaa! Patulong naman sa assignment ko, pleaseeeee." At siya naman si Felix, 7 years old palang siya pero sobrang kulit at cute.
"Okay cutiepie, pero kain muna tayo ah." Agad naman siyang tumango at pumunta na sa lamesa.
"O, Kiarra. Nandyan ka na pala. Maghugas ka na ng kamay mo at kakain na." Sabi ni Mama. Nagmano muna ako sakanya pati na rin kay Papa. Pagkatapos kong maghugas ng kamay, umupo na ako.
"Anak, lead the prayer." Sabi ni papa. Pagkatapos naming mag pray ay kumain na kami.
Hanggang ngayon iniisip ko pa rin si Adam. Hindi ko alam ay napapangiti na pala ako.
"Anak, sino yan?" Pagtatanong ni Mama. Agad naman akong nagising sa realidad.
"Ah-eh..."
"I, o, u. Anak, sino yang iniisip mo? Pumapagibig na ata ang dalaga namin." Nakuuu, si papa talaga niloloko nanaman ako. Pero bakit ko nga ba siya naiisip?
"Ah wala 'to Pa. May naalala lang ako. By the way, Pa kailan pala tayo pupunta ng Poracay? Gusto daw kasing sumama ni Sarah e." O diba, iniba ko talaga ang usapan.
"Next week, Anak. Medyo busy pa kasi ako ngayon e."
"Ah okay."
Pagkatapos naming kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko. Inilagay ko na ang mga gamit ko sa Cabinet. Medyo mainit kasi ang pakiramdam ko, para bang nagaapoy.
Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin. Napatanong na lang ako sa sarili ko. "Ano bang mali sa mukha ko? Bukod sa marami akong galigo sa mukha at pimples." Napatawa ako ng bahagya, kasi kinakausap ko ang sarili ko.
Pagkatapos kong maligo, medyo nahimasmasan na ako. Medyo nawala na rin ang init na nararamdamn ko. Pumunta na ako sa kwarto ni Felix dahil tuturuan ko pa siya sa assignment niya.
"Felix, ano ba yang assignment mo? Pakita nga." Ibinigay niya saakin ang libro niya at binasa ito. "The stranger tries to catch me."
"Ate Kiarra, sabi ni Teacher Friya huwag daw pong masyadong maniwala sa mga strangers kahit na nagpapakita sila ng mabuti. Is that true, Ate?" Napa isip ako sa sinabi niya.
YOU ARE READING
Cursed Princess of Eparsia Kingdom
FantasyPANGIT! Isang salita na sumasalamin sa isang babaeng may normal na buhay. Normal nga ba? O may matutuklasan siyang isang sikreto na babagho sakanyang buhay. Pangit nga ba talaga siya? O may sumumpa lang sakanya? At kapag natanggal ang sumpang bumaba...