Habang kumakain kami, maraming mga nagbubulungan. Nahihiya pa rin kasi ako dahil first time akong pagusapan sa School. Nakita kong papalapit sa table namin si Paul, ng makalapit na siya sa table namin
"Kiarra, pwede ka bang yayaing mag lunch?" Kita niyang kumakain na ako ng lunch. Tapos yayain niya ako.
"Nakitang kumakain na siya ng lunch, tapos yayain mo siya? Hanep ka rin, Pre!" Sabi niya. Nangangamoy gulo ah.
"Bakit? May angal ka? Ano mo ba siya?"sagot ni Paul.
"Aba gago 'to ah!" Tumayo si Adam at sinuntok sa mukha si Paul. Gumanti naman rin ng suntok si Paul at halos matumba si Adam.
"What is the problem here?!" Hala! Yung SSG President! Strikto pa naman siya. Lahat ng estudyante ay takot sakanya.
Parehas na napatingin si Paul at Adam sakanya. Umayos ng tayo si Paul at Adam at parang hindi sila nasisindak sakanya.
"There is no problem here!" Pasigaw na sinabi ni Adam. Sabagay, hindi niya pa siguro kilala ang mga SSG Officers.
"You two! Go to principal office!" Galit na talaga si President. Agad namang naglakad papuntang principal office si Paul. Habang si Adam ay pumunta sa pwesto ko.
"Are you okay?" Hinawakan niya ang kamay ako.
"Uhmm, okay lang ako." Inalis ko ang kamay niya sa pagkakahawak sakin. "Pumunta ka na dun." Nahihiya pa rin kasi ako sa mga taong nandito. Biruin mo, pinagaawayan ako ng dalawang gwapo.
"Maglalandian na lang ba kayo dyan?!" Sabi ni Mr. President. Pero bago umalis si Adam ay nginitian niya muna ako. Enebeyen! Kenekeleg eke.
Nang mawala na sa paningin ko si Adam, dumating naman si Sarah.
"Kiarraaaaaa! Lunch na tayo." Ang ingay talaga nito.
"Sige, pero sa garden na lang tayo kumain. Medyo marami kasing nakatingin." Pabulong kong sabi. Dinala namin yung pinamiling pagkain ni Adam. Sayang naman kasi kung iiwan lang namin.
"Ang dami naman nito. Anong meron? Birthday mo? Bigat bigat kasi e." Reklamo niya.
"Huwag ka ng magreklamo. Ikaw naman lahat ang uubos niyan." Oo, uubusin niya lahat yan. Medyo mataba kasi siya.
"Really?" Parang nagningning ang mga mata niya. Matakaw talaga ito. Pero sorry na lang kay Adam dahil hindi niya naubos lahat ng pinamili niya.
Ikinwento ko rin lahat ang mga nangyari kanina. Halos mahimatay siya sa kilig.
"Infairness bes, mahaba yung hair mo ah. Pero ibigay mo na sakin si Paul. Hahaha!" Hindi lang siya matakaw sa pagkain, pati na rin saa mga lalake. Pero hindi siya malandi. Crush niya lang ang mga iyon, kadalasan ay puro mga korean actors.
Lumipas ang mga buwan at mas naging close kami ni Adam. Maraming usap usapan na ginayuma ko raw si Adam. Pero sabi ni Adam ay wag ko na lang daw pakinggan ang mga sinasabi nila. Hindi naman rin ako nasasaktan, siguro na-immune na ako.
Sa mga nakalipas na buwan, lagi kaming magkasama. Sabay kumakain, sabay pumasok at hinahatid niya pa ako pauwi. At alam ko sa sarili ko na nahulog na ang loob ko sakanya.
Pauwi na ako, hindi ako hinatid ni Adam ngayon dahil daw may gagawin siya. Hindi rin siya pumasok ng buong araw. Ano kayang ginagwa niya?
Habang nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ay nararamdaman kong parang may sumusunod saakin. Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Nang makarating na ako sa harapan ng bahay namin ay may narinig akong sigaw.
"Kyahhhhhhh!" Teka, sigaw ba yun ni Papa? May mali e. May mali! Pumasok ako ng bahay pero walang tao. Nasan kaya sila?
"Ate!" Niyakap ako ni Felix, pero umiiyak siya. Lumuhod ako at pinunasan ang luha niya.
"Tahan na, baby. Nasan sila Mama at Papa?" Hindi pa rin siya tumitigil sa pagiyak.
"Na...s.a ta...as. Huhuhu. He kill Papa." Nagulat at natulala ako sa sinabi niya. Patay na si Papa. Nagising ako sa huwisyo ng marinig ko ang boses ni Mama.
"Mga anak!" Pababa siya sa hagdan at nakita kong may dugo sa kanyang tagiliran kaya nahihirapan siyang bumababa. Nakita kong may nakasunod sakanyang naka black cloak. Hindi ko makita ang mukha niya.
Nang nakalapit na siya kay Mama, itinulak niya ito sa hagdan. Napasigaw ako sa ginawa niya. Napatingin sakin yung naka black cloak. Parang nagulat siya noong nakita niya ako. Pero bigla siyang naglaho.
"Ma!" Sigaw ni Felix. Pumunta kami sa kinaroroonan ni Mama. Iyak kami ng iyak.
"Kiarra, makinig ka. Hindi kami ang tunay mong mga magulang." Nagulat ako sa mga sinabi ni Mama. "Sumama kayo kay Paul at dadalhin niya kayo sa magic world." Si paul? Magic world? "Felix, anak. Sumama ka kay Ate kiarra mo. Kiarra, mangako kang aalagaan si Felix."
"Promise, Ma. Aalagaan ko siya." Nakita kong nasa harapan namin yung nakablack cloak. May inilabas siyang parang stick. At nung itututok niya ito kay mama, may liwanag na tumama sakanya. Tumalsik siya.
Tumingin ako sa pinanggalingan ng liwanag at nakita ko si Paul na may hawak na stick. Katulad rin ito sa naka black cloak. Lumuhod siya sa pwesto namin.
"Okay lang ba kayo?" Hindi ako sumagot sa tanong niya. Dahil pilit ko pa ring pinapasok sa aking isipan ang mga nalaman ko.
Tumayo si Paul at umangulo na parang makikipaglaban. "Sabi ko na nga ba. Hindi talaga mabuti ang pakay mo kay Kiarra." Tumingin ako sa tinitingnan ni Paul. Tumayo yung naka black cloak at inalis ang kanyang hood.
"A..da..m?" Si Adam? Siya?! Siya ang pumatay sa mga kinilala kong magulang?!
"Sorry, kiarra. Hindi ko gustong gawin 'to pero ito ang ipinaguutos ng aking Ama." Utos?! Utos na pumatay?! Anong klaseng utos 'yan?!
Bigla na lamang siyang naglaho, at naramdaman kong unti unting dumilim ang aking paningin. And everything went black.
Adam's POV
Hinding hindi ko naman ito gagawin kung hindi ito ipinagutos ng aking Tatay. Aaminin kong nahulog na ang loob ko kay Kiarra. Pero anog magagawa ko? Anak ako ng Hari ng Darkia. Kaya dapat, tapat ako sakanya. Hindi rin totoong Drakdrol ang aking apelyido. Subukan mong ayusin ang mga letra nito at makakabuo ka ng salitang DARKLORD. Ang pamilyang Darklord ay ang namumuno sa buong Drakia. At ako ang susunod na hari dahil ako ang panganay.
Hindi ko gustong patayin yung mga kinikilalang magulang ni Kiarra. Ngunit pinoprotektahan nila si Kiarra kaya ipinagutos ng hari na patayin ko sila. Gustong gustong makuha ng aking Ama si Kiarra, dahil sa taglay niyang kapangyarihan. Magagamit ang kanyang kapangyarihan upang magapi ang Kaharian ng Eparsia.
Kiarra, hintayin mo ako. Babalik ako para mahalin ka.
Paul's POV
Naawa ako sa nangyari sa kanya. Hindi dapat siya nagtiwala sa Bwisit na Adam na iyon.
Nakaupo lang ako sa sofa habang nakatitig kay Kiarra. Nagtataka ako kung bakit naging ganyan ang itsura niya? Ang ipinakita kasi saakin ng aming headmaster ay magandang babae. Pero bakit parang may mali. Marami siyang kulugo at pimple sa mukha. Siya ba talaga ito?
"Kuya Paul, gutom na po ako." Sabi ni felix.
"Tara, punta muna tayo ng Cafeteria." Isa pa itong bata na ito. Ang bata bata pero nawalan na siya agad ng magulang.
Lumabas na kami ng room ni Kiarra kung saan siya naka confine. Naglalakad kami Felix at puro "Woah" ang sinasabi niya dahil sa mga nakikita niya. Mabuti na rin ito para makalimutan niya ang mga nangyari.
Nasa Cafeteria na kami at nagorder na ng pagkain. Marami akong inorder dahil 3 days ng hindi kumakain. 3 days na rin siyang nakahilata. Sana maging maayos na siya.
YOU ARE READING
Cursed Princess of Eparsia Kingdom
FantasyPANGIT! Isang salita na sumasalamin sa isang babaeng may normal na buhay. Normal nga ba? O may matutuklasan siyang isang sikreto na babagho sakanyang buhay. Pangit nga ba talaga siya? O may sumumpa lang sakanya? At kapag natanggal ang sumpang bumaba...