Kiarra's POVNakaupo pa rin ako sa bench. Wala pa ring gustong kumausap saakin. Kasi nga pangit ako. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
"Hello?" Sino ba 'tong yumuyugyug saakin?
"Uhmmm...Istorbo ka naman." Sabi ko habang nakapikit tinutulak yung kamay niyang kanina pang tumatapik sa ulo ko.
"Ay, sungit naman. Gusto ko lang sanang sabihin sayo na pumunta na tayo sa Dorm natin." Napabalikwas ako ng tayo ng mapagtanto ko na wala pa akong dorm na tutuluyan. Bumungaf sa'kin ang isang napaka-gandang babae. Morena siya, brown eyes, matangos ang ilong, red lips at straight hair. Hayss, sana ganyan din ako kaganda.
"Ah-eh.... Sorry, inaantok pa kasi ako e." Medyo nahihiya kong sabi. Nakakahiya kasi yung inasal ko kanina.
"I'm Marthina Ozeania. And you are?" Ozeania? Isa yun sa mga houses di'ba.
"Im Kiarra Orion."
"Beautiful name, hihihi. Nice to meet you, Kiarra." May pagmakulit rin pala siya. Jolly ang personality niya e. "By the way, punta na tayo ng dorm. Hinihintay na kasi tayo nung isa pa nating ka-dorm." Sabi niya. Binuhat ko na ang mga gamit ko at sumunod na sakanya. Marami kaming napagusapan, napag-alaman ko na prinsesa pala siya ng Ozeania Island.
"Marthina?..." Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko ng nagsalita siya.
"Tin na lang. Masyado kasing mahaba yung pangalan ko e." Sabi niya na nakangiti. Ang gaan agad ng loob ko sakanya, kahit ngayon palang kami nagkakilala.
"Uhmm, okay. Tin, bakit hindi ka na-sort sa Ozeania house kung anak ka ng hari ng Ozeania?" Curious kong tanong.
"It depends on your ability kung saan ka isosort. Kahit na anak ka pa ng hari ng ozeania at ang abilidad mo ay malakas, pwede kang ma-sort sa ibang house. Hindi sa minamaliit ko ang ibang houses, pero ang Windas kasi ang pinaka-magaling among the three." Mahabang paliwanag niya. Napatango-tango na lang ako.
YOU ARE READING
Cursed Princess of Eparsia Kingdom
FantasíaPANGIT! Isang salita na sumasalamin sa isang babaeng may normal na buhay. Normal nga ba? O may matutuklasan siyang isang sikreto na babagho sakanyang buhay. Pangit nga ba talaga siya? O may sumumpa lang sakanya? At kapag natanggal ang sumpang bumaba...