Chapter 1

35 2 0
                                    

Kiarra's POV

Kasalukuyan akong naglalakad sa quadrangle.  As usual, pinagtitinginan ako ng mga tao dito. Kakaiba kasi ang kagandahan kong taglay. Halos lahat ng lalake ay maghahabol sakin.
.
.
.
.
.
.
.
.
Maghahabol sa'kin ng itak. Hay nakooo! Minsan naiisip ko na baka ampon lang ako nila Mama at Papa. Sorry, let me rephrase it. Lagi kong naiisip na baka ampon ako nila mama at papa.

Papunta na ako sa classroom namin at nakita kong nakasara na ang pinto. Kaya magiging instant celebrity nanaman ako dahil pagtitinginan nanaman ako ng mga kaklase ko. Pagpasok ko, lahat sila ay tumingin sakin. Animo'y parang gusto nila akong batuhin ng kung ano anong bagay. Umupo na ako sa likuran. At ako lang ang mag-isang naka upo roon.

Todo take note ako ng mga formula at important words, honor student kasi ako dito sa Sta. Catalina High School. Ayoko naman masabihan ng "Pangit na nga, wala pang utak."

Kringgggggggggggg! Tumunog na ang bell ng may biglang nagbukas ng pinto. Myghaddddd! Ang gwapo niya, bagay na bagay kami. O diba, kokoronahan ko na ang sarili ko ng Assumerang Dilag ng taon.

"Sorry Maam, im late." Sabi nung gwapo.

"Late?" Tanong ni Maam Valencia, habang pinapakita yung relo niya. "You are 60 minutes late. Hindi ka lang late, super late ka!" Sabi ni Ms. Valencia na galit na galit. Nakayuko lang si kuyang gwapo habang pinapagalitan siya. "Teka, ikaw ba yung transferee?"

Nag-angat ng tingin si kuyang pogi. "Opo." Ang gwapo niya talaga. Ang tangos ng ilong niya, tapos ang pula ng labi niya. Yung brown eyes niya, grabe! Oxygen pleaseeee!

"Sige, pagbibigyan kita ngayon. Pero sa susunod na malate ka pa ng 60 MINUTES, madedetention ka na. Got it?"

"Yes, Maam." Sagot niya.

"Pero bago ka umupo, introduce yourself to them." Tumango naman siya bilang pag-oo.

Pumunta sa harapan namin si Kuyang pogi. "My name is Adam Drakdrol, 17 years old." Kakaibang apilyido 'yun ah.

"Saang school ka galing?" Tanong ni Fritz na sobrang ganda pero maland*. Sorry for the word pero ganun talaga siya e. Bali-balita kasi na tuwing gabi raw ay iba ibang lalake ang kasama niya.

Nakita kong parang nagulat si Adam sa naging tanong ni Fritz.

"Ah-eh Sa....M...ths, oo dun nga. Sa Maria Therese High School." Utal niyang sagot.

"Okay class, hintayin niyo na lang si Ms. Vasquez." Pagpapaalam ni Maam Valencia. Agad namang umupo si Adam sa likuran, and YES! Katabi ko siya. Marami namang space sa likuran dahil na nga rin ayaw nila akong katabi pero sa tabi ko pa rin siya tumabi. Halos sumabog ako sa kilig pero pinipigilan ko ito. Nakakahiya kasi. Puro bulungan ang naririnig ko, kesyo bakit daw tumabi si Adam sa akin e ang pangit pangit ko naman daw. Hindi ko na lang pinakinggan ang mga panlalait nila. Sanay naman na ako e.

Dumating na si Ms. Vascuez kaya nagsi tahimik na ang lahat. Napadako ang tingin niya kay Adam at tumango ito. Magkakilala ba sila?

Ganoon pa rin naman ang nangyari, nakikinig lang ako kay Ms. Vasquez pero hindi ako makapag concentrate dahil sa katabi ko.

Nagring na ang bell kaya nagsitayuan na ang mga kaklase ko dahil recess na. Hindi na ako lumabas para bumili ng pagkain, ayoko kasing makipag-siksikan. E sa dami ba naman ng tao e baka magka-lasuglasug ang mga buto ko.

Napansin ko na nandito pa rin si Ms. Vascuez na nagaayos ng gamit at si Adam na katabi ko pa rin.

"Adam, sundan mo ako." Sabi ni Ms. Vasquez. Tumayo na si Adam at sinundan siya. Ngayon, ako na lang ang magisa rito. Pero, ano kayang meron sa kanilang dalawa? Mag jowa ba sila? Haysss, ano ba tong naiisip ko.

Someone's POV

"Baka maunahan na tayo ng mga kalaban, kailangan na nating bilisan ang pagkumbinsi sakanya. Hindi biro ang taglay niyang kapangyarihan, kaya magagamit natin ang kapangyarihan na iyon upang mas mapalakas ang ating panig." Sabi niya

"Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko. Sige, mauna na ako."

Lumabas na ako sa aming pinagtataguan at sinimulan na ang paglalakad. Kailangan ko siyang mahanap. Paliko na ako sa hallway ng biglang......

Someone's POV

"Kailangan na nating bilisan. Hinihintay na siya ng kanyang kaharian. Alam kong may mga umaaligid na kalaban sakanya at balak na kunin siya dahil gagamitin nila iyon laban sa atin. Bilisan mo ang pagkilos, ikaw ang itinalagang tagapag ligtas niya kaya dapat ay protektahan mo siya."

"Hindi ko hahayaang mapunta siya sa masasama. Hindi ko alam ang mga kalaban na nakapalibot sakanya pero poprotektahan ko pa rin siya."

Lumabas na ako at nagsimuang mag lakad paliko na ako ako sa hallway ng.......

Kiarra's POV

Lumabas muna ako saglit upang tignan ang paligid. Napadako ang tingin ko sa isang lalaki. Si Adam. Pero ilang saglit lang ay may nakaumpugan siyang lalaki. Gwapo rin katulad niya. Napa-haghikgik ako sa tawa, hahahaha! Pero wrong move, pareho silang napatingin saakin. Nilagpasan nalang ni Adam yung nakabungguan niya. At tila papunta na sa direksyon ko. At tama nga ako. Tumigil siya sa harapan ko at inilahad niya ang kamay niya. Parang tumigil ang mundo ko sa ginawa niya.

"B...a...kit?."  Utal kong tanong.

"Adam." Nakatingin lang siya sakin habang nakalahad pa rin ang kamay niya. Nagdadalawang isip ako, naiisip ko kasi na baka mandiri siya saakin. Pero meron parin sa kin na makipagkilala ako sakanya.

"K...ia..rra" ano ba yan. Bakit ako nauutal? Sa bagay, sino ba namang hindi mai-star struck sa lalaking 'to. Naramdaman ko ang lambot ng kanyang kamay. Gusto ko ng mahimatay. Feeling ko tuloy, ako si Rapunzel. Ang haba ng hair ko e.

"Nice to meet you, Kiarra." Napa-duko na lang ako sa kahihiyan sakanya.

"Hindi ka ba nadidiri sakin?" Hindi ko alam kung bakit ko natanong sakanya iyon. Dahil na rin siguro sa mababang tingin ko sa sarili.

Napatawa siya ng kaunti. "Hindi. Bakit naman ako madidiri sayo e parehas lang naman tayong tao." Teka, totoo ba 'tong narinig ko? O baka niloloko lang ako nito. Natigil ako sa pagiisip ng may nagsalita sa harapan namin. Inilahad niya rin ang kanyang kamay.

"I am Paul. Nice to meet you, Kiarra." Eto ba yung nakaumpugan ni Adam kanina? Oo, eto nga. Infairness ah gwapo rin to. Napapaligiran ako ng mga gwapo. Pwede ko na bang palitan ang pangalan ko into Rapunzel? Pero ang ipinagtataka ko. Bakit kilala niya ako agad? Iniistalk niya siguro ako. Haysss, nag aassume nanaman ako.

Inilahad ko na rin ang kamay ko. Para it's a tie.

Kringggggggg! Nagbell na, hudyat na tapos na ang Recess. Pumasok na ako sa classroom at iniwan ko silang dalawa sa labas.

Natapos na ang buong klaseng maghapon. Papunta ako ngayon sa classroom ng kaibigan ko. Dahil sabay kaming umuuwi. Nakita kong nagsilabasan na sila. Agad ko namang nakita si Sarah, kaya lumapit ako sakanya.

Habang naglalakad kami, nagkekwento lang siya. Kinwento niya rin na may bago silang kaklase. Ang pangalan daw ay Paul. Kinwento ko rin yung nangyari kanina. Parang mamatay na siya sa kilig nung ikinwento ko iyon.

Papasok na kami sa gate ng Sta. Monica Village kung saan kami nakatira. Tapos, naghiwalay na kami ng daan dahil hindi kami mag ka street. Ilang sandali lang ay parang naramdaman kong may nakasunod sakin. Pero ipinagsawalang bahala ko na lang iyon.

Ngunit, hindi pa rin ito tumitigil. Tumingin ako sa likod ko, pero pagharap ko halos mamatay ako sa gulat.

Cursed Princess of Eparsia KingdomWhere stories live. Discover now