Kiarra's POV"You're so beautiful, just like your mom." Hinawakan ni Ms. Sarah yung pisngi ko. Akala ko pa naman ay may gagawing masama sa'kin si Ms. Sarah.
"Hahaha! Wala akong balak saktan ka, Kiarra." Tumawa ng bahagya si Ms. Sarah. Teka, mind reader ba siya? Medyo nahiya naman ako ng konti dahil kung anu-ano ang iniisip ko sa'kanya.
"S-sorry po." Yumuko na lang ako sa hiya. Pero bigla ko namang naalala yung sinabi niya. "Ah-eh, Ms. Sarah. Kilala niyo po ang totoo kong ina?" Pag-uusisa ko.
"Yeah, and she is my bestfriend." Naglakad siya papunta sa kanyang table at may kinuha sa drawer ng table niya. Nakita kong inilabas niya ang litrato nilang mag-kasama. "Kamukhang kamukha mo talaga siya." She handed me the picture at agad ko namang kinuha iyon. Pinag-masdan ko ang itsura ng babaeng kasama ni Ms. Sarah sa picture. Medyo hawig nga kami dahil sa hubog ng mukha, kulay ng mata, tangos ng ilong at labi.
Pagkatapos kong pagmasadan ang litratong ibinigay sa'kin ni Ms. Sarah ay ibinigay ko na sa'kanya iyon. "Ms. Sarah, medyo hawig ko nga po ang nasa litrato pero tignan niyo naman po ang itsura ko sa itsura niya." Medyo natawa naman siya sa sinabi ko.
"Naku, Kiarra. Kung alam mo lang." Ipinasok niya na sa drawer ang picture. "Sige, Kiarra. You may go now. Nice to meet you." Nakangiti niyang sabi. Agad naman akong tumalima sa'kanyang sinabi.
Pero kung kilala niya ang Mama ko, posible 'ring alam niya kung nasaan siya.
"Kiarraaaaa!"
"Ay kabayo!" Bwiset! Ginulat ba naman ako ni Dave. Masama ko siyang tinignan kaya medyo natawa siya. "Bakit ka ba nanggugulat?!" Inis kong tanong.
"Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo naman ako pinapansin."
"Ah ganun ba, hehe. May iniisp lang kasi ako." Napakamot na lang ako sa batok ko dahil sa hiya. "Sila Marthina at Explosia? Alam mo kung nasaan sila?" Nasaan na kaya yung mga yun? Sabi kanina ni Marthina, sabay kaming magla-lunch.
"Yun nga ang dahilan kung bakit kita hinahanap. Sabay sabay daw kasi tayong magla-lunch." Hindi niya na ako pinasalita at hinila niya na ako papunta sa Cafeteria.
YOU ARE READING
Cursed Princess of Eparsia Kingdom
FantasyPANGIT! Isang salita na sumasalamin sa isang babaeng may normal na buhay. Normal nga ba? O may matutuklasan siyang isang sikreto na babagho sakanyang buhay. Pangit nga ba talaga siya? O may sumumpa lang sakanya? At kapag natanggal ang sumpang bumaba...