Kiarra's POV
"Kiarra, gising na. Mag-jogging tayo." Rinig kong sabi ni Marthina. Agad naman akong tumayo sa kama ko. Pupungas-pungas pa akong pumunta ng banyo para maghilamos, hindi kasi ako masyadong nakatulog kagabi.
Narinig kong bumukas ang pinto at alam kong sila Marthina lang 'yun. Lumabas na akong naka-jogging attire at lumabas na kami. Nang makalabas na kami, dumampi sa balat ko ang malamig na hangin. 5:00 A.M. palang kasi.
"Explosia, pwede bang kwentuhan niyo ako sa history ng Eparsia?" Huminto sila sa pagja-jogging.
"Sige ba." Nakakatuwa silang tignan. Sabay talaga nilang sinabi yun. "Tara, dun tayo sa Enchanted Park." Sumunod lang ako sakanila at umupo kami sa damuhan.
"Ano bang gusto mong malaman?" Tanong ni Explosia.
"Uhmmm." Nag-isip ako. "Yung sa Humanimal World." Interesado kasi akong malaman yun e.
"Ahh. Ang Humanimal World ay isang mundo na ang naninirahan ay kalahating tao, kalahating hayop. Pinamumunuan 'yon ni Haring Igelious. Isa siyang kalahating tao at kalahating eagle. Kilala ang Humanimal World bilang pinaka-magaling sa pag-gawa ng mga armas. Sila ang nagsusuply saatin ng mga armas." Pagpapaliwanag ni Explosia.
"Bakit alam mo na agad 'yan? Hindi ba't parehas lang tayong freshmen?" Curious kong tanong.
"Sa level 2, itinuro na iyon." Sabi naman ni Marthina.
"Huh? Ano 'yung level-level na 'yan?" Tanong ko ulit.
"Are you serious? Hindi mo alam 'yun?" Natatawang tanong ni Marthina. "Ay, nakalimutan ko nga pala. Hindi ka pala nag-aral dito 'nung bata ka pa." Sabi niya. "Kalimitan, 4-6 years old ang nasa level 1 dahil nagsisimula pa lang silang matuto. Pero depende iyon sa lakas at kakayahan mo. Kung kakaiba ang kapangyarihan mong taglay, maari kang maging level 2 or 3 pero hindi ka pwedeng umabot ng 4 dahil kailangan mo munang magsanay. Teka, alam mo na ba ang level mo?"
"Hindi pa e." Sagot ko. Papano 'yan? Hindi ko pa alam ang level ko.
"H'wag kang mag-alala, sasamahan ka na lang naming hanapin yung level mo." Sabi ni Marthina.
"Thank you." Napanatag na ang loob ko ng sinabi niya 'yun.
"Tara, punta na tayo ng dorm. 6:00 na kasi e, hahanapin pa natin yung class natin." Pag-aaya ni Explosia.
Habang naglalakad kami ay nakakaramdam ako ng hindi maganda. Alam kong naramdaman ko na 'to kagabi pero mas lumakas ang kaba ko. Hindi ko na lamang pinansin 'yun at naglakad na lang ako papuntang dorm.
Pagkadating namin sa dorm ay naligo agad ako. Inayos ko ang buhok ko at pinusod ito. Humarap naman ko sa salamin at tinignan ang sarili ko na puro kulugo at pimples. Napatanong akonsa sarili ko 'Kaibigan ba ang turing sa'kin nila Marthina at Explosia?' Bakit nila ako pinapaki-samahan?' Yung mga ganyang tanong. Pero inalis ko na lamang sa isipan ko ang mga 'yon.
Lumabas na ako ng kwarto ko at nakita kong nasa sala na sila Marthina at Explosia.
"Tara na. Excited na ako!" Halata sa boses ni Marthina na sobrang excited siya. Sabay-sabay kaming naglalakad papunta sa mga rooms. Hinanap namin ang aming mga pangalan. Sinimulan naming hanapin ang aming mga pangalan sa Level 1 hanggang umabot kami ng level 5 ay wala pa'rin.
"Gosh! Kiarra, baka nasa level 6 ka na." Bakit naman ako magiging level 6 e wala pa naman akong kaalam alam.
Pumunta na kami sa Level 6 building. Hanggang mahanap namin ang aming mga pangalan sa iisang room. Sa Lvl6.A.
"Kyahhhh! Magkakaklase tayo, guys!" Iba talaga 'tong boses ni Explosia. Parang mega-phone.
"Tara, pasok na tayo." Pumasok na kami sa room namin. At naramdaman ko nanaman ang mga matatalim na tingin sa'kin.
Nakita naman naming pumasok na ang isang magandang babae na siguro ay nasa mid 20's na. Ito na siguro yung adviser namin.
"Okay, class. Im Felicity Ravens and im your adviser." Mukhang di naman mataray si Ms. Ravens. "Siguro naman, kilala niyo na ang isa't-isa. Maliban 'dun sa transferee na 'yun." Ang tinutukoy niya ay ako. Pumunta naman ako sa harapan at nag-pakilala.
"Im Kiarra Orion. 17 years old." Ayoko namang maging bongga ang pagpapakilala ko, kaya yan na lang ang sinabi ko.
"Orion, huh? Ang pamilyang pinaka-tapat na naglilingkod sa Hari at Reyna ng Eparsia." Ibig sabihin ba nito ay mga tagapag-lingkod ng Hari at Reyna ang mga foster parents ko? Siguro.
Naglakad na ako papunta sa upuan ko. Pero may narinig akong nagsabi na ang pangit ko daw. What's new? Dapat masanay na ako. Inayoa ko na ng upo ko at nakinig sa sinasabing rules ni Ms. Ravens. Ng biglang bumukas ang pinto.
"Sorry Ma'am. We're late." Si Paul?! Si Paul nga! Nakita kong may kinikilig na parang wala ng bukas, landi lang ateh? Pumasok na sila sa room at nakita kong may nakasunod sakanya na dalawang gwapo rin. Pero yung isa ay mukhang masungit.
Bale, nasa likod nanamin nila Marthina at Explosia sila Paul at nasa likod ko yung mukhang masungit. Nakinig na lamang ako sa sinasabi ni Ms. Ravens.
"Sa level na ito ituturo yung mga malalakas na spells. Actually, hindi ka makaka-tuntong sa Level 7 kapag hindi mo natalo ang opponent mo sa last test. Sa level 7 ay mas mae-enhance ang pag-gamit mo ng wand and at the same time, mapapalabas mo na ang magi mo sa katawan." Ano daw? Magi? Magi magic sarap? Lumakas ang mga bulungan dahil na rin siguro sa excited sila.
"At hindi lang 'yun. Papayagan na rin kayong maglabas pasok sa mga islands dito sa Eparsia." Dagdag pa niya. May iba pa palang island dito. Mas lalong umingay ang mga kaklase ko.
"Shut up class! H'wag kayong masyadong maging excited. Marami sa'inyo ang maaring hindi umabot sa level 7." Bigla namang tumahimik ang mga kaklase ko.
"That's all for today. Bukas ko na lang papasakitin ang mga ulo niyo." Kinuha na ni Ms. Ravens ang bag niya at umalis na ng room.
Nararamdaman kong marami ang nakatingin sa'kin pero ipinag -sawalang bahala ko na lamang 'yun. Nakipag-kwentuhan na lamang ako kina Marthina at Explosia.
After 5 minutes ay dumating na ang next teacher namin. Inilapag niya ang bag niya sa table at napatingin sa kinauupan namin, specifically sa'kin. Napatitig din ako sa'kanya. She is familliar.
"Class, i'm Sarah Topaz. And im your teacher in Island studies." Tumingin siya ulit sa akin at ngumiti. Nginitian ko na lang rin siya. "Hindi muna ako magtuturo sa inyo NGAYON dahil first day pa lang. Pero bukas, asahan niyong tatambakan ko kayo ng mga activities and assignment." Umupo siya sa teacher's desk at nagsulat. "Manahimik muna guys ah. 2 hours and 50 minutes pa kayong maghihintay bago mag lunch." Nakipag-kwentuhan na lang ulit ako kina Marthina at Explosia pero this time ay kasama na sa usapan si Paul at yung isa pa sa likod namin except kay Sungit.
Napag-alaman ko rin na Dave Firo ang pangalan 'nung isang kausap namin at Alexander Windas naman si Sungit.
After ng klase namin ay nagpatulong muna sa'kin si Ms. Sarah na buhatin ang mga gamit niya papunta sa office niya. Nang maka-pasok na kami sa office niya, umupo siya sa upuan. Pinaupo niya rin ako.
"So, Kiarra? Kumusta ka na?" Sabi niya. Unti-unti siyang lumapit sa'kin ng bigla niya akong......
------------
Ano kayang ginawa ni Ms. Sarah Topaz kay Kiarra? Let's find out!
YOU ARE READING
Cursed Princess of Eparsia Kingdom
FantasyPANGIT! Isang salita na sumasalamin sa isang babaeng may normal na buhay. Normal nga ba? O may matutuklasan siyang isang sikreto na babagho sakanyang buhay. Pangit nga ba talaga siya? O may sumumpa lang sakanya? At kapag natanggal ang sumpang bumaba...