Ginising na nila ako lahat ng mahanda nila ang pagkain...
Tumayo na ako at umupo katabi ko sa kaliwa si ate Grace at sa kanan ko naman si Ciedrick....
Habang kumakain kami di ko maiwasan na mapatingin kay Ciedrick.... Ngayon ko lang sya natitigan ng matagal. Ang gwapo pala talaga nya...
"Huy Ricka picturan mo nalang kaya si Ciedrick at duon mo sya titigan ng matagal" bulong sakin ni ate Grace habang ta-tawa tawa pa.
"Gaga" sabi ko naman sakanya.
Pag katapos namin kumain ako na ang nag prisinta na mag hugas...
"Tulungan na kita Ricka" pag piprisinta naman ni Ciedrick para tulungan ako...
Pumunta na kami ni Ciedrick sa kusina para mag hugas ako ang magsasabon at sya naman ang magbabanlaw..
Habang nag sasabon ako nahuhuli ko si Ciedrick na tumititig sakin..
Nagbabanlaw na si Ciedrick ngayon.
"Bakit ka nga pala tumititig sakin kanina?" Tanong ko sakanya..
"Ha? A-ako? Ano... Ahmm.. Wala lang yon" pautal utal na sagot nya sakin..
"Ahh ok" sabi ko naman sakanya..
Habang nakatayo ako at pinagmamasdan syang nag huhugas ay bigla syang nagtanong.
"Ahmm Ricka may nagustuhan kana ba sa school?" Nahihiya nyang tanong sakin.
Nagulat ako sa tanon nya kaya hindi agad ako nakapag salita.
"Kung ayaw mo sagutin ok lang" sabi nya naman sakin habang nagpupunas sya ng kamay.
"Ahm.. Hindi ko pa alam kung gusto na talaga yon ehh pero parang may nararamdaman akong kuryente kapag nagkakadikit kami oh di kaya ang bilis ng tibok ng puso ko" sagot ko naman sa tanong nya.
"Huy! Kayong dalawa nalang hinihintay uuwi na tayo!" Sigaw naman ni Lovely.
Nagmadali na kaming dalawa ni Ciedrick na lumabas dahil baka pag tripan nanaman nila kami dito.
*Flashback*
Nasa labas na silang lahat at kami nalang ni Ciedrick ang nasa loob.
Lalabas na sana kami kaso,bakit nakalock 'to bigla akong kinabahan ng ayaw na talagang bumukas nung pinto.
"Ciedrick ayaw na mabuksan nung pinto!" Naluluha na ako dahil sa takot.
Sinubukan ni Ciedrick buksan yon pero hindi nya talaga magawa.
Nang hindi na talaga mabuksan ni Ciedrick ay napahagulgol na ako sa takot na baka iniwan na nila kami.
Hindi na ako makahinga ng maayos para akong aatakihin ng asthma ko."Ricka ano nangyayari sa 'yo?" Nag-aalalang tanong sakin ni Ciedrick.
"K-kunin mo yung inhaler sa b-bag ko" konti nalang at pwede na akong mamatay dito!
"Oy! Teka Terence naalala ko may asthma si Ricka! Aatakihin yon nang asthma nya kapag umiiyak sya at natatakot! Buksan mo na yung pinto!" Narinig ko pa ang sigaw ni ate Grace sa labas.
Nang makuha na ni Ciedrick an inhaler binigay nya agad sakin yon.
Nang makuha ko na ang inhaler ay ginamit ko agad yon para makahinga na ako ng maayos.
Ininom ko rin ang dala ni Ciedrick na tubig. Binuksan na nila ang pinto at dali dali silang pumunta sakin..
*End of flashback*
Dalawang araw ko noon hindi pinansin sila ate Grace..
Naka uwi na kami lahat sa mga bahay namin. Nang makapasok na ako sa kwarto ko ay agad ako nag bihis at saka humiga sa kama..
Ang sya ng araw ko na 'to
Naramdaman ko na ang pagod ko kaya umidlip muna ako..***
Yay! Naka pag-ud nanaman aketch!
Thank you po sa mga nagbabasa ng kwento ko na 'to... Actually masaya po ako kahit na konti palang po ang nagababasa ng book ko na 'to pero thank you pa rin po..
Saranghaeyo guys! Muah!❤
YOU ARE READING
Falling Inlove To A Childish Boy[Exo:Baekhyun Fanfic]
Teen Fictionpaano kung makilala mo ang isang gwapo? Pero isa palang CHILDISH! Hi guys this is my first story. Hope you like it... :)