Chapter 6

53 7 0
                                    

Magtatanghali na nang magising ako.
Ok lang naman kasi wala namang pasok ngayon.Pumunta ako sa banyo para mag hilamos saka bumaba.





Nakita ko si Mommy na naghahanda ng pag kain.





"Oh gising ka na pala.. Aakyat na sana ako sa taas para gisingin ka eh." Sabi ni Mommy sakin.





Naupo na ako sa upuan para kumuha ng pagkain






"Mom mamaya po pupunta po kami nila ate Grace sa tambayan namin para gumawa ng mga assignments."pag papa-alam ko kay Mom.






"ahh ok sige, next week pala sumama ka samin ng daddy mo okay."





"Saan po tayo pupunta?" tanong ko kay mom.






"Basta sumama ka ha? hindi pwedeng hindi ka sumama" sagot naman sakin ni mom.





"okay" matipid na sagot ko naman sa kanya at kumain na ulit.




***

Ciedrick's POV


Kumakain ako ng chocolate habang naglalakad papunta sa tambayan namin.Habang nag lalakad ako iniisip ko parin kung sasama ba ako kanila papa.




Tinatamad kasi ako umalis kapag walang pasok kaya parang ayaw kong sumama.





Nandito na ako sa tapat ng tambayan namin pero wala pa sila.Nakita ko si Ricka na naglalakad na papunta dito.






Habang naglalakad sya papunta dito parang tumigil yung mundo ko at bumilis din bigla yung tibok ng puso ko.Ano bang nangyayari sakin?





"Ciedrick? Ciedrick?!" natauhan lang ako nang sumigaw si Ricka.





"Inaantok ka pa ba? kung inaantok ka pa bakit hindi ka pa pumasok sa loob para makatulog ka." tanong sakin ni Ricka.






"H-hindi ako i-inaantok tsaka h-hindi ako makapasok kasi w-wala akong s-susi" pautal-utal na sagot ko naman sakanya.






"ahh ganon ba. nasaan na ba sila?" pagkatanong sakin ni Ricka ay sakto naman na dumating na silang lahat.





"We're here!" sigaw naman ni Rosalyn habang naglalakad papunta samin kasabay sila Terence.






"Ang aga nyo naman yata?" tanong samin ni ate Grace.






"Eh sa gusto namin eh paki mo ba" pamimilosopo naman na sagot ni Ricka.






Bigla akong natawa ng biglang sinapok ni ate Grace si Ricka.






"Aray! grabe ka ha!" bigla namang sigaw ni Ricka.






"Buksan mo na nga yan Terence para naman matapos tayo agad at magkaroon pa tayo ng mahabang ora sa pag bo-bonding." sabi ko naman kay Terence.





Binuksan na ni Terence ang pinto at nag sipasok na kami lahat.




***


okay guys nakapag UD nanaman akooooo!

thank you pala sa mga nag babasa neto!

lav yah guys!muah!

Falling Inlove To A Childish Boy[Exo:Baekhyun Fanfic]Where stories live. Discover now