TSS 2: Kutos ka saken

266 8 1
                                    

(Author: Dedicated kay Soulmate JustsoAnika! Miss ko na ang chikahan namin that's why nakalaan sa kanya ito. Hi Soulmate! )

Luna's Punto de bista (Echos)

 (Lulu shortcut ng Luna )

--

Basa. Basa. Basa. Pichapay! Ang hirap ipasok sa utak ang mga ito! Sino ba kasing nagpauso ng Physics?!

Maimbornal na! =_=

Nagbabasa ako ng hand-outs. Ang nakakainis pa bukod sa kamalasan ko kahapon, (Wag nyo pong pansinin ang time settings.) Quiz namin bukas! LONG QUIZ! Oh diba, sinong malanding haliparot ang di magpapaka- dalagang Filipina sa hirap ng QUIZ na yun?!

Tell me! SINO?!

Ok. Ang OA ko na. Napapraning na talaga ako. Tulungan nyo nga ako! Chos.

First law..

Second law..

Third law..

Richter scale..

Anak ng espanyol!

Bakit may nasamang Richter Scale dito?! Sa bagay. Wala naman akong karapatang magreklamo kasi hiniram ko lang itong notebook na ito eh. Opo, masipag akong magsulat. Taray diba?

Review..

Processing..

Loading...

"Lulu! Bumaba ka nga dito!"

And Reformat.

AntoNYETA. Sayang ang dalawang oras kong pagrereview! Yun na yun eh! Papasok na sa utak ko tapos panira yung boses na yun?! Nuber.

"Sandali po! Nagrereview ako!" sabi ko.

"Sandali lang din to'. Dali! Halika muna dito!" sabi nya.

Ano naman kaya yun? Sana lang mas maganda pa sa notebook na ito at sa lesson. Isssh.

*Sala*

As usual, nandun ang lima kong kapatid. Este, tatlo lang yung nasa sala. Yung isa kumikembot, yung dalawa nagjajackstone. Wow! Mga batang 90s! MABUHAY!

"Bakit po mama?" tanong ko kay mama.

"Isukat mo nga to'." sabi nya sabay abot ng.. teka wala pa. Eksayt.

Inabot nya ang isang puting damit.

"Anong gagawin ko dito mama?" tanong ko.

Minsan bobo rin ako eh. Sukatin nga daw tapos itatanong pa kung anong gagawin. Bingi lang? Tsk.

"Sukatin nga diba? Isang tanong pa Kutos ka saken!" sabi nya.

Ayan. Napagsabihan tuloy. Uyy.. jumejeje si Mama.. Kumukutos chuva na sya.. HAHAHA!

"Wow ma! San' mo nalaman yang' Kutos chuva na yan?" manghang-mangha kong sabi.

"Sa kaklase mo. Narinig ko lang. Sige na! Sukatin mo na yan!" utos nya.

Sinukat ko yung damit at tiningnan kong mabuti ang sarili ko sa salamin. Ang ganda naman.. parang..

"Ano? Tapos ka na ba?" tanong ni mama.

Parang...

"Kasya ba sayo?" muling tinig nya.

Parang...

"Mama! Ano to'? Bakit pang-maid ang pinasukat mo saken? Ipapamigay mo ko sa iba at gagawing Yaya? Tapos aalipustahin ako at pagbibintangang nagnakaw ng alahas at makukulong? Ma ayoko!" pagmamaktol ko.

The Stranger's StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon