TSS 4: Chasing Pavements

179 5 0
                                    

(A/N: HAHAHA. Sa totoo lang, keme ko lang yung title nitong Chapter Four! Eh sa gusto ko eh, AARTE PA?! xD)

**

          The Stranger's Stalker (Chapter Four: Chasing Pavements)

Luna's POV.

 Takbo..

Bilisan mong paa ka!!!

Takbo paaaaaaaaaa~

Sa nababasa nyo ngayon, oo tumatakbo ako. Dahil naghahabulan este hinahabol ako nitong lalake na napagkamalan kong niloloko ang Gelpren nya na kapatid nya pala. Eh kasi naman eh~ Ang lakas maka-imagine ni Recca! Ayan tuloy, pati ako nadamay sa kalokohan nya!

At ang swerte ko nga naman talaga oh. Saktong may elevator dito at pumasok agad ako. Syempre! At muntik na nya akong maabutan aber. Buti at mabilis akong tumakbo.

**

Nandito na ako sa Ground Floor at nagmamadaling lumabas. Pero bigla akong hinarang ni Manong Guard. Oh Geez! Bakit ngayon pa? Di ba pwedeng bukas nalang?

-- Ay tanga. Ano ba naman Luna! Sino ba namang baliw ang babalik dito pagkatapos mong makatakas? Bobo lang ang peg mo ganerns?   *Insert Poker Fes Here*

Isssshh. Binabara ang sarili? Focus Luna! Focus!

"Teka lang kuya, bakit ayaw nyo akong palabasin?!" tanong ko kay manong Guard.

Nakakainis naman oh! Wrong timing si Koya! Kooya naman eee~ *Insert Sad Fes Here*

Habang nagmamakaawa ako kay Manong Guard, namataan ko naman ang katawan-- Ah este ang paglalakad ni-- Di ko pa kilala eh. Basta yung nanghahabol saken kanina!

O_____________O Oh Geez! Lamunin mo na ako! Lamunin mo na akong lupa ka!

-- Ay teka. De Tiles ang ground floor eh.

Lamunin na sana ako ni The Grudge! Ay wag. Marami pa akong pangarap. Eto nalang..

May lumabas sanang genie para sagipin akooooo~ O di kaya bumulagta si Superman at ilipad ako! =___= Imagination nga naman oh. Issssh.

"Kuyaaaaaaa! Palabasin nyo na kasi akooo~ Nandyan na yung humahabol saken!!" sabi ko kay Manong Guard habang nagpupumilit na lumabas. Goodness Gracious! Papalapit na sya at naka-ngisi ang kurimawwwwww!!!!!

Napa-face palm nalang ako. Ok. This is all my fault. Kung di dahil sa kabobohan ko edi sana hilata to my bed na sana ang mode ko ngayon. Eh dahil ako nga ay isang magandang tanga, (Umangal Layas!) Ayan. Eto ang kalalabasan ko ngayon. Face palm.

"Sir, ito po ba yung tinutukoy nyong babae? Na medyo katangkaran, maputi, magulo ang buhok, cute at naka-uniform na pang-estudyante?" tanong ni Kuya.

Cute daw ako oh!  Yieeeee~

=_______= Anubanaman Luna! Nasa bingit ka ng kamatayan, ganyan ka pa. Focus Luna. Focus!

"Opo. Sya nga yun. Sige bitawan nyo na sya. Ako na bahala. Salamat." kalmado nyang sabi. Pero bigla syang ngumisi. Nagtaasan naman ang mga balahibo ko dun.

*Insert Effects na tumataas balahibo ni Luna*

**

=_________________= Nakakapagod haaaaaaaa!

Sa nilawak-lawak ba naman kasi ng mundo dito pa ako napadpad. Sa tinaas ba naman kasi ng building na ito sa hagdan pa kami dumaan! Meron naman kasing elevator bakit hindi gamitin? Dagdag kuryente lang ganern? *Face Palm Ulit*

Oh yes. Naakyat kami. Hindi ako makapagreklamo. Dahil sa tuwing titigil ako para magpahinga, bigla syang lilingon at akala ko nga eh sasabihin nyang, 'Are you ok? Need some help?' Pero baliktad pala. Titingin sya ng matalim. Yung tipong nagfoform ang itak sa mata nya at ready na akong tagain? Tas' sasabihing, 'Tatayo ka jan o ihuhulog kita?'.

The Stranger's StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon