TSS 6: The party

159 3 3
                                    

Luna's Point of view

O-k.. This is awkward you know..

"Naku alam mo ba! Sobrang lungkot ko nung nag-away tayo! Buti nalang pumunta ka parin sa birthday ko! Sorry talaga Leen! Promiseee! Magiging mabait na kong cousin to youuuuu!" tapos niya-- kap nya ko ng sobrang higpit.

Fudge. Hindi ako makahinga ng maayos!

"Ah.. O-ok lang yun ano ka ba! Ah.. hi-hindi kasi ako makahinga.." sabi ko.

Thank goodness bumitaw sya.

"Ehem." nilingon ko kung sino yung umubo. Pero sadya naman.

Si Mr. Kurimaw pala. Eksena nanaman nito?

Ay teka! Kailangan ko sya!

"Oh! Kuya! Bakit? Ipapakilala mo na ba samin yung magiging wifey mo this year? Ha? Tell meeeee~" excited na sabi ni Se.. ano nga ulit pangalan nitong kapatid nya?

"Zie, pwede ba. Nakakahiya yang pinagsasabi mo. Mamaya may makarinig pa sa'yo." saway ni Mr. Kurimaw kay.. ano ulit? Si? Shi? Sea? Dagat?

"KJ mo kuya! Birthday ko naman eh! You don't careeeee~ Alavit~" sabi nya sabay kanta.

Nakakaloka naman 'tong kapatid nya. Baliktad silang dalawa. Baka ampon lang sya? Adik ka Lulu.

"Uuwi na ko. Leen tara na." sabi nya sabay hila saken.

Aray! Putspa! Natusok ng pardible yung braso ko! Araaaaay!!

"Hoy adik ka ba?! Masakit! Natusok ng pardible yung braso ko! Arayyyyyyyy!!!" sigaw ko.

Tumingin lahat ng tao samin. Sakin pala.

Ay kakahiya. Center of ano ako.. attraction? Hindi rin. Attention lang 'to. Wag echosera Luna!

"Tsk. Tanga kasi. Sabi na kasing palitan mo yang damit mo ang tigas ng ulo mo. Bilisan mo jan. Sumunod ka nalang sa kotse." sabi nya sabay walk out.

Hanep na yan! Wala talaga syang puso. Wala narin syang atay, kidney, pancreas at utak. Huhu to me. Ay hindi, meron syang puso wala ngalang syang awa. Huhu parin to me.

Wala akong nagawa kundi sumunod. Eh deal kasi 'to eh.

*Flashback*

"Remember, a deal is deal." sabi nya.

"Pero pano kung mahalata nyang nagpapangga--

"Hindi yan. Basta wag ka lang titimang-timang sa loob. Tara na." sabi nya at umunang maglakad.

"Uy teka! Ah.. ka-kamukha ko ba talaga yung pinsan mo?" tanong ko.

Oo nga. Kamukha ko ba talaga? Pano nangyare yun? Small world? Yung kanta? It's a small world after all? Baliw ka na Luna.

"Oo. Yun nga pinagtataka ko. Isang timang naging kamukha ng kalahi namin." pang-aasar nya.

"Kala mo kung sinong gwapo! Kurimaw na 'to!" sabi ko sa kanya.

"Oo nga pala. Wag mong kalimutan yung script mo. Ayusin mo kung gusto mo pang makauwi." sabi nya at pumasok na sa loob.

*End of flashback*

Ayan. Kaya obligado akong sumunod sa kanya. Pano ba naman kase. Limang piso nalang pera ko at taxi ang kailangang sakyan pauwi. San ako makakakuha ng pera pamasahe? Manlilimos ang dyosang kagaya ko? Di, echos lang.

"Sakay na." Sabi nya at sumakay na ako.

Boring. Makausap nga 'to..

"Alam mo, nakakapagtaka.. Bakit yung kapatid mo ang sigla-sigla samantalang ikaw ang antipatiko mo? Ampon ka lang ba? Tinapon ka ba sa basurahan ng mama mo nung baby ka at inampon ka nila?" pang-iintriga ko sa kanya. Ay teka.. nasobrahan na ata ako. Parang OA na yung tanong ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Stranger's StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon