Chapter Five: A deal is a deal
Luna's POV
"Magpanggap kang Pinsan ko." sabi niya.
PINSAN?! Bakit pinsan?!
"Ha? Bakit PINSAN?!" tanong ko.
"Kita mo namang lasing sya diba?" sabi nito.
"Oo.. Eh bakit ako magpapanggap?" sabi ko.
"Birthday ng kapatid ko. Nag-away silang dalawa. Naglasing sya kaya di sya makakapunta.. Ayokong malungkot sya mamaya.." sabi pa nito.
Pake ko naman sa kapatid mo. Di, joke lang yun. Syempre may konsensya naman ako ano.
"Oh tapos?" sabi ko. Teka.. parang ang pangit naman ng pagkabigkas ko.
"Gusto kong magkabati sila. Gusto ko sanang magsorry yung pinsan kong 'yun. Pero dahil naglasing sya, ikaw ang gagawa nun." sabi nito.
OMYJULALAY! Ako ang gagawa nun? Really? How?
"How?" tanong ko. Oy english yown! *Insert X and D here*
"Magcocostume ka na parang.. Basta yung kagaya ng ginagawa ni Alodia." sabi nito.
COSPLAY?! Wow! Pangarap ko yun!
"Ah! Cosplay! Sige ba! Game ako jan! Pangarap ko kaya yun! Kaso wala akong pera pambili ng costumes eh!"
Sinapo naman nya ang noo ko. Aray ha!
"Ako nga ang gagastos sa lahat ng pang-ayos sayo! Ngayon makinig ka, kapag hindi mo nakabisado ang nasa script na 'to, (Tinuro nya yung hawak nyang papel.) dadagdagan ko pa ang iuutos ko sayo. Simulan mo na." sabi niya at binigay saken ang script daw. Tumalikod na sya at hinawakan ang cellphone nya.
*After 10 years* (OA naman ng TEN YEARS)
T_________T Inferness nakakailang haaaa!
"Ahmm.. Ate, pwede po bang patingin sa salamin ng mukha ko.. Kasi parang ang kapal ng nakapatong sa pisngi ko eh.." sabi ko.
Feeling ko kasi parang ang kapal nung nilagay sa mukha ko. Make-up pa ba tawag dito? Eh ang tagal ah! Lagpas isang oras na ata kami dito!
"Ayan po mam.. Ang cute nyo naman po.. Bagay kayo ni Sir.. Hihihi!" sabi nung make-up artist ko.
Bagay kami? Tao kaya kami.
"Naku. salamat po! Pero hindi naman kami ng Sir mo.." sabi ko.
"Ay. Ganun ba mam? Bakit naman? Di mo pa ba sya sinasagot?" tanong nito.
NEVER IN MY LIFE! Marami na kong crush. Wag na syang dumagdag.
Ay. Ansabe? Landi mo naman Luna. (Aminado pa)
"Nope. Ni hindi ko nga yan kilala eh." kalmadong sabi ko.
Oo nga ano.. Di ko pa sya kilala!
"Ha? Pwede ba yun? Di mo pa alam pangalan nya?" tanong nito.
"OO naman. Eto na nga eh. Nangyari na. Hahaha!" sabi ko. At nagtawanan lang kami ng nagtawanan.
"Hoy. Tapos na ba?" sabi naman ni Mr. Kurimaw.
EPAL TALAGA NITO!
"Opo Sir! Sakto lang dating mo!" sabi ni Ate Karen at umalis na agad kami.
Habang nasa kotse ni Mr. Kurimaw, nagpapatugtog ako ng Mr. Mr. ng Snsd.
"Hoy! Patayin mo nga yan! Ang ingay." sabi nya.
"Ay. Sorry.. papahinaan ko nalang." sabi ko.
Nag-earphone nalang ako. Panira talaga ng aura to'!
**
Tumigil kami sa isang mansyon. Yes, katulad ng mga nababasa nyo sa mga story, mayayaman lang ang may mansyon. Like duh? Obvious bang mayaman sila? =__=
"Remember, a deal is a deal." sabi nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/10939875-288-k646678.jpg)
BINABASA MO ANG
The Stranger's Stalker
Ficção AdolescenteHe's a perfect stranger and she's a stalker. She can't escape unless he'll tell the way out.