TSS 3: Stalking the Stranger

192 6 0
                                    

Luna's Point of View.

Umaga nanaman at ano pa nga bang aasahan ko? Syempre ang maligo, magtoothbrush, kumain at pumasok sa school.

"Lulu, wag mong kalimutan yung bilin ko ha. Pag tapos ka nang magluto sa Karinderya ni Aling Nora uwi ka na agad. Kuha mo?" sabi ni mama.

"(Imitating mama) Kuha mo?" Alam ko naman iyon eh!

"Hoy! Naintindihan mo ba yung sinabi ko?!" Bumalik agad ako sa katinuan. Kakagulat!

"Opo ma. Babye!" Kumaripas na ako ng takbo para pumasok. Kakatamad.

**

As usual as EVER! Isang madugong labanan sa quiz ang naganap.

Grabe. Nakakatamad pala talaga ang subject na math. Bukod pa doon, nakakapatay ng utak. Pano kaya natitiis ng iba ang mag 'enjoy' sa subject na 'to? Hay jusko.

Nang mag uwian na, hinintay ko muna si Recca at sabay na kaming umuwi. Ganun naman lagi. Minsan sabay papasok, palaging sabay uuwi.

"Lulu, kailan ka magpapasa ng Project natin sa Science?" tanong bigla ni Recca.

Take note: Babae po sya dito. Kapangalan lang talaga nya si Recca sa Flame of Recca. *Winks*

Oo nga pala, nasa karinderya ako ngayon nila Ate Nora. Sideline ko ito dahil I need-- este my sisters and brothers need .. teka, baka wrong grammar pa ako. Tagalog na ngalang.

Kailangan kasi nung mga kapatid ko ng pera. Dahil sasama daw sila sa Fieldtrip. TAKE NOTE! Lahat sila! And guess the price?

Tumataginting na 875 pesos! Tapos ako? Kailangan ko ring mag-ipon para makasama ako. How sad.. sasama pa naman yung crush ko. Minsan na nga lang ako makatingin dun, lulubusin ko na sa Fieldtrip. Sideline ko rin ang paglandi. Biro lang.. Maniwala sabog bahay. HAHAHA!

"Ate Nor, done na! Kelan bonus ko?" tanong ko.

"Eto oh, naku.. Kabait mo namang bata ka! Sana yumaman ka pag lumaki ka!" sabi ni Ate Nora.

"Iniinsulto mo ko Ate o complement talaga yun? Hahaha! Sige po salamat! Sana nga.. yayaman ako! Mas mayaman pa kay Bill Gates! Babye!" sabi ko.

Habang naglalakad kami ni Recca sa daan, nadaanan nanaman namin yung Club kung saan madalas tumatambay ang mga kaklase ko.

Pero may familiar na mukha akong nakita. Lumabas sya kasama ang isang babae.

Teka..

"Lulu, bakit parang naniningkit yang mata mo? Nandito ba si Chanyeol??" tanong nya.

"Shunga! Wala! May naalala lang ako.." sabi ko.

"Sino? Tell me!" sabi nya.

Teka.. nakita ko na ito eh..

"Teka, diba sya yung nakita natin kagabi? Yung may kasamang babae sa bench dun sa park? Diba sya yun?" sabi ko sabay turo dun sa lalake.

Tama! Sya nga yun! Kung hindi ako nagkakamali, (Sana) Sya yung pinagbuntungan ng Imahinasyon ni Recca kagabi! At teka.. Bakit ibang babae naman yung kasama nya? Lumabas sila ng bar at magkaakbay pa!

"Oo nga ano? Teka, ano namang pake mo sa kanila? Eh ikaw nga ang nagsabi, hayaan natin sila eh." sabi nya.

"Weh? Kahit wala naman akong sinabi? Hala! At talagang nag-akbayan pa silang dalawa oh! Pigilan mo ko Recca! Pigilan mo talaga ako! Nakuu~ Sinasabi ko sayo awatin mo ko ngayon din!" sabi ko.

Hindi ko mapigil ang blood cells ko! Lahat sila active pati ang nerves! (Ano daw?)

Napaka walang hiya nyo talagang mga lalake! Akala ko talaga mahal nya yung babaeng kasama nya kagabi! Pinagtanggol ko pa naman sya mula sa imaginations ni Recca! Tapos ano?! Yun pala lolokohin nya lang yung babae! May iba na syang kasama ngayon!? Grabe! Bad boy naman nito oh. >.<

The Stranger's StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon