Bida's Point of View (Charot)
"Lulu maghugas ka na! "
"Opo!"
"Ate Lulu paabot nga nung strings! Pakibilis! "
"Ok wait lang! "
"Ate Lulu pakidikit nga po! Bilis kasi marami pa yan! "
"Sige sandali! "
"Lulu! Sabi ko maghugas ka na diba?! Magwalis ka nga rin! Labhan mo pa itong uniform mo! "
"Sandali po! "
"Aba sumasagot ka na! Magluto ka ng hotdog para iulam nyo! "
"Mama naman! Ang dami nyo namang utos eh! Isa lang ako oh! Tapos kayo! *Tinuro ang kapatid* Puro kayo 'Ate Lulu' ! May kamay naman kayo ah! Tigilan nyo yang paghihinamad ninyo ha! "
"Lulu! " sigaw ng ina kong maganda. AANGAL PA??
"Opo! Maghuhugas na nga eh! "
Yan ang buhay ko. Medyo mahirap at nakakainis. Ikaw ba naman ang utusan ng sandamak-mak diba? Siomai lang.
Marami kasi akong kapatid at yun ang kinaiinisan ko. Ako pa ang panganay. Ako lahat, ako dito, ako doon. Ang hirap ng buhay ko! Pero teka ha.. Hindi naman kami mahirap ni mayaman. Average lang kumbaga.
Wala na kasi yung kuya ko eh. Hep! Hindi sya namatay ha! Nag-asawa na kasi kaya bumukod na. Ako ang sumunod sa kanya kaya ako ang tumatayong panganay. Swerte may love life sya. Ako wala. HAHAHA!
Luna L. Lazaro. Yan ang pangalan ko. Sosyal diba? Kala mo royal eh. Coke lang kami. Joke lang.
Walang pasok kasi sabado. At yun ang masaklap. Muchacha ang peg ko every saturdays. Letchugas talaga. As you can see, medyo madaldal talaga ako. Average lang din ang pagiging talkative ko ha. HAHAHA!
"Lulu, bili ka nga muna ng surf tsaka isang downy antibac! Bilisan mo at maglalaba ako! "
Yes. Sya na daw maglalaba oh. Hayahay konte. Wooh!
Syempre sinunod ko ang mama ko. Mama ko yun eh.
*Tindahan*
"Ate isang surf tsaka downy antibac." sabi ko.
"Ilan? " Tanong ng tindera.
Napa-face palm ako dun. Isa nga diba?
"Isa po." sabi ko.
"Antibac?" tanong pa nya.
Isa nalang babatuhin ko na to' ng piso sa noo.
"Opo tsaka surf." sabi ko nalang. Bawal kasi ang sumagot sa nakakatanda eh. HAHAHA.
"Oh eto." tas binigay na nya yung binili ko.
"Hoy may sukli ka pa! " sigaw nya.
"Ako po? " tanong ko. Syempre malay mo yung kasabay kong lalake pala yung may sukli.
"Hindi! Yung paa mo! " sabi nya.
Aba't..
"Kanina ka pa ha. Namumuro ka na. Nagtatanong ng maayos eh." sabi ko. Di na ko makapagtimpi eh.
"Sasagot pa! Di nalang kunin. Tsk." litanya niya.
And kaching! Binato ko ng piso. HAHAHA! Sapul sa ilong!
"Ay bwisit kang babae ka! Bumalik ka dito! "
HAHAHA. Neknek mo. Laptrip ka! Asa ka namang babalik ako ano. Para ano? Magsorry? Utots. HAHAHA!
***
Naglalakad na ko pauwi. Medyo malayo kasi yung tindahan eh. Puro tide kasi yung tinda sa iba. Eh Surf daw sabi ng mama ko eh. WAIS to'. HAHAHA.
"Aray P*ta! " mura nung nakabangga ko.
Minsan talaga may pagkatanga ako. Ay hindi, sya pala. Kasi ang lawak ng daan tapos dun pa sya sa direksyon ko eh. Tsaka di ko rin sya nakita kasi tinitingnan ko yung daan. "Watch your step" nga daw eh.
"Ay naku-naku. Sa kabila ka nalang dapat dumaan! Alam mo namang malawak dito ka pa eh." Saway ko. Aba dapat lang ano!
"Ako pa may kasalanan? Puny*ta. Tabi nga dyan! " tapos tumakbo.
Anong gusto nya? Gayahin ko si Chichay sa linya nyang, "Ay.. Sorry~ Po~" Sabay gestures ng kamay? Neknek nya rin. Magsama sila nung tindera! HAHAHA.
Ay teka, nalaglag yung wallet nya. Isauli ko nga't baka mapagkamalan pa akong MAGNA KUMLAWDE.
"Hoy kuya yung wallet mo ho!" sabi ko dun sa lalake.
Bigla syang humarap nung naabutan ko na sya.
"Kapatid ba kita para tawagin mo kong kuya?" bungad nya.
Aba't ang lakas ng trip nitong pitchugas na ito ha! Gusto sigurong makipagtalo. Dibale nalang.
"Pasalamat ka nga bibigay pa sa iyo ang wallet mo eh. Oh eto! Dyan ka na nga!" sabi ko at tumalikod na.
Nakakailang hakbang narin siguro ako at medyo malayu-layo narin ang distansya ko sa kanya pero kahit isang salita ay wala parin akong naririnig. Kahit salamat man lang ay wala! Ano bang klaseng tao yun? Baka nakaalis na. Liyemas naman si kuya oh.
"Salamat na nga lang. Kala ko pa man din di mo isasauli." sabi nya.
Ok na eh. Patatawarin ko na sana sya sa pagkaantipatiko nya kaso sinundan nya pa ng ibang linya. Nakakainis kaya yung ganun. Ikaw na nga nagmamagandang loob ikaw pa ang lalabas na 'Medyo Masama'. Piste. Makauwi na nga lang.
*Bahay*
"Mama ito na po yung pinabili mo. Pasensya na po kung--
"Bakit ang tagal tagal mo?! Siguro nakipag-usap ka pa kung kani-kanino ano?? Diba sabi ko sa'yong bilisan mo?! Akin na nga iyan at maglalaba na ako! Magluto ka na ng ulam!" bungad nya sakin.
Buhay ko talaga oh. Parang gulong ng bike namin. Laging butas.
Ni hindi man lang ako pinatapos. Ang dami pang sinabi tatanggapin rin naman pala.
"Mama kasi po may--
"May kumausap sa'yo? Natagalan ka kasi ganito ganun? Hay naku Lulu. Magluto ka nalang at maututwa pa ako sa'yo. Bilisan mo ha." sabi nya.
Kitamona. Magpapaliwanag pa nga ho eh. Anober. Makapagluto na nga. Sana lang di masunog sa sama ng loob ko dun sa lalakeng dahilan ng pagkainis saken ni mama. Isssh.
After few minutes...
"Okay! Luto na ang hotdog! Kain na!" pag-aaya ko sa mga kapatid ko.
*Kwek*Kwek*
"Hoy! Sabi ko kakain na! Tumayo na nga kayo dyan! Nakahain na lahat-lahat eh! Ano, naghihintay pa kayong subuan ko kayo dyan ha?!" sermon ko.
Ayun. Natakot sa mouth ko. Sinimulan na naming kumain.
"Oh, ako na magliligpit at ituloy nyo na yung mga ginagawa nyo. MGA PRINSIPE AT PRINSESA!" sabi ko.
Tatayo na ako para ilagay sa lababo nang biglang---
*Ebushing Kuching Chikaboom!*
"Lulu?! Anong nangyari dyan?! Nakabasag ka nanaman ba?! Ikaw talagang bata ka! Lagi nalang perwisyo ang nadudulot mo pag naghuhugas!"
Eh sorry po. Nagkabanggaan kami ni bunso. Pahamak naman eh. I wanna cry now. HUEHUEHUE. Charot.
"Sorry po mama.. Eh kasi si bunso nagkasalubong kami kaya nangalaglag po eh.." sabi ko.
"Eh ikaw kasi ate eh! Di ka tumitingin!" sabi nung epal kong kapatid.
Ako pa talaga may kasalanan ha. Jusko maria la del bario! Ang malas ko talaga. Medyo nga lang.
Ano pa bang susunod na kamalasang naghihintay sakin?
- Copyright 2014 by Alesana Rain.
![](https://img.wattpad.com/cover/10939875-288-k646678.jpg)
BINABASA MO ANG
The Stranger's Stalker
Novela JuvenilHe's a perfect stranger and she's a stalker. She can't escape unless he'll tell the way out.