11

446 15 6
                                    

From Prologue-10 ang POV ni Trixie
From 11-20 naman ang kay Jin

Jin's POV

Araw ng mga puso ngayon. Lahat ng mga kaklase ko ay may ka-date. Ako yung kuya ko lang naman ang ka-date ko. Nagpapanggap pa ako na bakla yung almost 2 years simula nung may nangyari hindi maganda sa akin. At yung gusto kong maka-date ay walang ka-date na iba... Ang hirap naman non.

Papunta ako sa harapan ng locker ko ng may marinig akong nag-uusap kaya naman nagtago ako.

Akmang bubuksan na ni Trixie ang locker ko ng biglang hawakan iyon ni Anne.

"Ha! Ha! Ha! Umaasa ka pa rin bang mamahalin ka ni Jin? 2 years ka nang umaasa na magiging kayo. Poor Trixie. Hindi ka kasi sexy eh malayong-malayo sa akin. Baka sa kaseksihan ko baka biglang maging lalaki si Jin ng hindi mo namamalayan."

2 years? Hindi ko namalayan na matagal ko na pala siyang pinapaasa. Bakit hindi ko alam? Mahal ko siya eh. Mahal na mahal ko siya. Ang sabi ni kuya na magpanggap akong isang bakla para maturn-off siya at para makalimutan niya na ako. Pero bakit imbes na kalimutan niya na ako eh parang mas napapalapit pa siya lalo. Mahal ko si Trixie kaso may nangyaring hindi maganda kaya ang kinalabasan eh para kaming tanga. Hindi namin maamin sa isa't isa yung feelings namin.

Lumapit siya kay Anne habang nakangisi.

"Poor bitch! Do you know the word virginity? Meron ka pa ba non? Sa palagay ko wala na. I'm not sexy like you. I'm not  gorgeous like you but i promise to you that i'm fucking virgin!" Sigaw ni Trixie sa kanya.

Iyan ang dahilan kung bakit mahal ko siya. Simple pero palaban.

Nilagay niya yung letter sa loob ng locker ko at umalis na habang nakatulala si Anne. Lumapit ako sa locker at kinuha ang letter pero bago ko buksan iyon eh biglang nagsalita si Anne.

"Can you be mine... again Jin?" Pagmamakaawa niya

"Never" isang salitang dudurog sa kanya matapos niyang sabihan ng mga masasakit na salita ang taong mahal ko.

Ng makalayo na ako sa lugar na iyon at binuksan ko na ang letter

Dear Jin,

2 years from now nung nakilala kita and this exactly valentine's day i want to say i'm always there for you

Umaasa,
Trixie

•Jiminionism• 

Dear Bakla || k•sj  [COMPLETE √]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon