20

441 13 7
                                    

Jin's POV

Uwian na at binasa ko na yung letter niya

Dear Jin,

Kanina yung bagong arrangement natin sa room. Hindi ko expect na magkatabi tayo. Pero snobber ka nga lang. Hayaan na. Pero yung hindi ko maintindihan eh yung tumingin ka sa akin tapos nagkatitigan tayo. Pero bakit hindi man bumilis tibok ng puso ko?

Nagmamahal,
Trixie

Pero bakit hindi man bumilis tibok ng puso ko?

Pero bakit hindi man bumilis tibok ng puso ko?

Pero bakit hindi man bumilis tibok ng puso ko?

Pero bakit hindi man bumilis tibok ng puso ko?

Anong ibig sabihin niya dito?

(Ringgggggggggg)

Kinuha ko yung cellphone ko at sinagot ang tawag.

"Hello?"

(Oh! Jin ang tita mo ito! Kamusta ka na!)

"Ayos lang po!" masiglang sabi ko

(Bukas ka na aalis! Makikita na kita. Nung huli kitang nakita eh bata ka pa non)

"Hehe hindi naman po ako nagbago"

(Naku ikaw bata ka! Mapagbiro ka talaga. Nagpaalam ka na ba sa lahat ng mga kaibigan mo?) Tanong ni tita

"Hind-- opo!"

(Maayos kung ganoon. Nakuha ko na lahat ng mga papeles at mga dapat mong asikasuhin ay naasikaso ko na kaya magpahinga ka na para maganda yung bungad mo dito sa Korea)

"Salamat tita!"

Ang totoo niyan malungkot ako. Hindi ko lang talaga pinapakita kay tita kasi ayoko siyang mag-alala.

(Oh sige na! Magpapahinga na ako. Kita na lang tayo bukas)

"Sige tita ingat!"

(Ingat ka din Jin)

Pinatay niya na yung tawag.

Pero bakit hindi man bumilis tibok ng puso ko?

Pero bakit hindi man bumilis tibok ng puso ko?

Pero bakit hindi man bumilis tibok ng puso ko?

Naisip ko nanaman iyon. Bakit hindi na bumilis tibok ng puso niya?

Siguro wala na siyang gusto sa akin.

Napangiti na lamang ako dahil masaya akong aalis bukas. Na hindi na niya ako gusto at hindi siya iiyak bukas. Na ako lang ang masasaktan. Sanay naman akong nakikita siyang masaya kahit na umiiyak ako sa likod niya.

Kinabukasan ay agad akong nagtungo sa harapan ng locker niya para ilagay yung ginawa kong letter.

Dear Trixie,

Sorry kung umasa ka sa akin for almost two years. Ayoko man sabihin pero aalis na ako ngayon. Sana maging masaya ka kahit na wala ako. Sana makalimutan mo na ako. Sana maging masaya ka na sa atensyon ng iba. Sana wala ng Jin diyan sa puso mo. Kasi ako, nandito ka pa rin sa puso ko. Hindi ko ipinaalam na mahal kita sa loob ng dalawang taon. Nagpanggap akong isang bakla para maturn-off ka pero mas lumalim pa yata. Hindi kita pinapansin kasi ayokong makita kitang umiiyak sa araw na ito na aalis na ako. Basta tandaan mo na kahit anong mangyari na may Kim Seokjin na nagmamahal sa iyo. Na may taong handa kang pasayahin kahit na nasasaktan ako. I love you more than who i am.

Minahal pero nagmamahal din pala,
Jin

•Jiminionism• 

Dear Bakla || k•sj  [COMPLETE √]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon