12

424 15 4
                                    

Jin's POV

Pagkatapos ng Valentine' Day ay balak sa normal. Kilos babae. Lakad babae. Magpanggap na lalaki ko si kuya para walang masaktan.

Papunta ako sa may room ng madaanan ko si Trixie na nasa hagdanan at tumatawa. Dahil nanaman siguro sa wattpad.

Dahil nakita ko siya, buo na araw ko. Kaya pumunta ako sa locker at siguradong may letter na siya sa akin sa oras na ito.

Naalala ko pala na malapit na birthday ko. Kinuha ko yung dalawang letter na binigay niya sa akin at dumeretso sa classroom.

Hanggang uwian ay nakangiti ako dahil siguro may dalawang letter akong hawak ng dahil sa kanya.

Nung dumaan ako sa eskinita ay may nakita akong nagtitinda ng mga damit. Kulay black siya. Iniisip kong pagmamay-ari ko iyon. Wala kasi akong pambili at tanging pera lang ni kuya ang nagagamit ko. Yung parents ko iniwan kami tapos si tita na lang ang sumusuporta sa amin.

"Jin?" tumingin ako at nakita si Anne. Nawala ang ngiti sa labi ko.

Hindi ko siya pinansin at naglakad na ako. Pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ng muli siyang magsalita.

"I'm so sorry" sambit niya habang humahagulgol siya.

Sorry? It's already done. Bakit ganyan kaya yung iba? Magso-sorry na lang kapag may nagawa nang mali. Bakit hindi ba nila kayang mag-sorry bago gumawa ng mali unless hindi nila sinasadya yung nangyari.

"Ginawa mo na. Hindi mo na kailangan sabihin iyan" sabi ko without looking straightly into her eyes.

Naglakad na ako. Imbes na ma-badtrip ako eh binasa ko na lang yung letter na ginawa niya sa akin.

Dear Jin,

Kinabukasan ng Valentine's Day boring pa rin yung buhay ko. Puro wattpad, laging kain sabay tulog. Hindi ko alam kung anong gagawin ko eh. Basta kapag naboboring ako pinagmamasdan ko litrato mo kahit na pambabae suot mo.

Nagmamahal,
Trixie

Dear Jin,

Malapit na birthday mo kaya siguradong maraming mag-reregalo sa iyo. Isa na ako doon. Hindi ko alam kung ano eh. Kung pambabae ba o panlalaki ibibigay ko. Kulay pink o black kaya? Basta! Sana ma-appreciate mo yung regalo ko.

Nagmamahal,
Trixie

•Jiminionism• 

Dear Bakla || k•sj  [COMPLETE √]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon