16

427 13 4
                                    

Jin's POV

Nakatayo ako ngayon sa harapan ng kalendaryo namin. Bukas na pala birthday ko. Hindi ko na namamalayan.

"Jin!" Tawag sa akin ni kuya.

"Sige pasok!" Sigaw ko kay kuya.

Pumasok si kuya sa kwarto ko.

Umupo siya sa gilid ng kama ko habang nakangiting nakatingin sa aking larawan kasama siya.

"2 weeks na lang" saad niya habang nakatingin pa rin sa picture.

Napayuko na lamang ako sa sinabi ni kuya.

2 weeks na lang at aalis na kami. Kukunin na kami ni tita at doon na kami titira. Malungkot man sabihin na yun yung dahilan kung bakit nagba-bakla baklaan ako para maturn-off sa akin sila Anne at Trixie at para hindi masaktan si Trixie sa oras na umalis na ako.

Hindi ako umimik kay kuya at dumeretso na sa banyo para magbihis at pumasok. Hindi ko pa rin siya pinapansin nung nasa room na ako kaya tinawag niya ako para makapag-usap kami.

Nung nasa isa sa mga bench na ako kung saan nakaupo si kuya at umupo na ako.

"Jin?" sabi ni kuya habang diretsong nakatingin sa akin.

"Hmm?" ako

"Handa ka na ba?" kuya

"Sa palagay ko kuya hindi pa"

"Ano!" Sigaw ni kuya "... akala ko ba napag-usapan na natin ito!" Dagdag pa niya.

"Hindi ko hata siya kayang iwan" ako

"Hindi? Sa tingin mo ba kaya ko rin iwan si Anne? Hindi! Pero kailangan natin kasi may kailangan tayong tapusin. Sana naiintindihan mo naman iyun!" sigaw niya.

Hindi na lang ako umimik. Umalis na lang ako at pumunta sa locker para kunin at basahin letter niya.

Dear Jin,

Bukas na birthday mo. Kinakabahan ako kasi iniisip ko kung bibigay ko bang personal yung regalo o iiwan ko na lang sa locker mo? Sana masaya ka na bukas kasi umiyak ka kanina. Sorry kung nakita ko kung paano nakipag-break yung lalaki mo. Basta happy lang kasi araw mo na bukas.

Nagmamahal,
Trixie

•Jiminionism• 

Dear Bakla || k•sj  [COMPLETE √]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon