13

408 16 0
                                    

Jin's POV

Nasa likod na bahagi ng classroom at nagle-lecture kami. Hindi ko makita kaya tumingin ako sa paligid kung saan may bakanteng upuan. Umupo ako doon at nagsimulang magsulat. Napatingin ako sa katabi ko.

Si Trixie!

Kinabahan ako kaya nagpatuloy na lang ako sa pagsusulat.

"Ahh Trixie pwedeng palit tayo ng upuan saglit?" tumingin ako sa nagsalita, si kuya pala.

"Ahh sige" tumayo si Trixie at pumunta sa pwesto ko.

Nagsimula ulit akong magsulat ng biglang umakbay si kuya sa akin.

"Mahal mo nga talaga siya" sabi niya

"Oo kuya eh. Mahal ko siya na umabot sa punto na kailangan namin saktan yung isa't isa para kapag nangyari na yung sa susunod. Ako na lang yung masasaktan"

Ngumiti naman si kuya at nagsimula na rin siyang mag-sulat

Pagkatapos ng klase ay pumunta na ako sa locker ko para kunin yung sulat niya.

Umuwi na ako at dumaan sa eskinita at nakita ulit yung itim na shirt na binibenta.

Dumeretso na ako sa kwarto pagkapasok ng bahay. Humiga sa kama.

"Malapit na mangyari yung araw na kinatatakutan ko" bulong ko sa sarili bago buksan ang letter niya sa akin

Dear Jin,

Kanina hindi ko expect na pupunta ka sa harapan... sa may katabi kong pwesto. Hindi mo siguro makita yung lecture sa blackboard. Tapos yung lalaki mo pinaalis pa ako sa upuan ko kaya no choice akong umupo sa upuan mo. Tapos aksidente akong napatingin sa harapan ng makita kong naka-akbay yung lalaki mo sa iyo. Pero ang ipinagtataka ko lang. Bakit nakaipon sa bag mo yung mga letter ko nung aksidenteng napatingin ako sa loob non?

Nagmamahal,
Trixie

•Jiminionism• 

Dear Bakla || k•sj  [COMPLETE √]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon