19

398 13 1
                                    

Jin's POV

Nakaupo ako ngayon sa arm chair ko at nagso-solve ng mga equation sa testpaper. Tumingin ako sa gawi ni Trixie at nahihirapan siya sa pagso-solve. Tumayo siya sa kanyang upuan at pumunta sa basurahan para itapon ang kanyang scratch paper.

Tumayo rin ako para sa pagkakataon. Nilagay ko yung isa sa dalawang papel na sinagutan ko at tinapon ko yung papel niya.

Pagkatapos niyang itapon ay umupo na siya.

Tuwang-tuwa siya at niyayakap niya pa yung papel niya. Ang cute niyang tignan.

Lumabas ako at pumunta sa aking locker.

Nakita ko siyang nakatayo doon at nilagay yung letter kaya nagtago ako.

Nung nawala na siya ay kinuha ko iyon at napangiti na lamang sa nabasa ko.

Dear Jin,

Alam mo bang ito na yung pinakamasayang araw ko. Ang maka-perfect sa math. Pero nakakapagtaka na hindi ka perfect. Alam ko kasi everytime na may quiz ikaw lagi ang highest. Baka nagkataon lang na perfect ako. Hehez. Wait lang pala, may napansin ako sa iyo kanina. Bakit parang may pasa ka at sugat. Kanino ka nanaman nakipag-away. Sa pagkakaalam ko hindi ka nakikipag-away. Basta pagaling ka.

Nagmamahal,
Trixie

•Jiminionism• 

Dear Bakla || k•sj  [COMPLETE √]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon