First Tears: Heart Break

58 4 0
                                    

Author's Note:
Hi mga readers first time ko po gumawa ng story kaya pagpasensyahan niyo na po Hehehe.Enjoy guys.
-----------------------------------------------------------------------------
"When you're gone the pieces of my heart is missing you"

Ken:

"Ken anong oras ba ang flight mo?"tanong ni Mommy sakin
"Baka bukas pa po ng umaga"Namiss ko na rin ka bonding tong si Mommy .
"Na excite na akong makita ka.Sige mag ingat ka ah,Tsaka kaya mo na ba siyang harapin anak?
Oo nga pala iniwan ko nga pala siya sa Pilipinas dahil sa mga maling desisyon ko na akala ko ay tama,Namiss na kita Rosh sana matanggap mo pa ulit ako.
"Di ko alam My siguro kaya ko na kaso inaalala ko baka ipagtabuyan niya lang ako.
"Wala naman masama kung susubukan mo diba?Pati ikaw ang may gawa nan Hahaha.Anubayan inasar pa ako,magulang ko ba talaga to Haha.Tama naman si Mommy,Baka lang di ko kayanin kapag may pinalit na siya sakin.Hays ang tanga tanga ko naman kasi eh.
"Sige po My papahinga na ako,Love you.
"Sige,Love you too Ken.

Pagkatapos ng pag uusap namin ni Mommy.Nagpunta na ako sa kwarto ko upang ayusin na ang gamit ko na dadalhin ko pauwi ng Pilipinas,Marami rami din ang dalang kong bag dahil sa mga pasalubong ko sa kanila.Nang makatapos ako nahiga na ako sa kama ko at inisip ko nalang kung paano ko siya haharapin.Sana Rosh ako pa rin ang laman ng puso mo,Matatanggap mo pa rin ba ako kapag sinabi ko sa yong mahal pa rin kita.Di ko namalayan na nakatulog na pala ako kaiisip sa kanya.
**
At the Philippines

Hay nakakamiss naman ang hangin dito sa Pinas ilan taon ba akong nawala?Dalawang taon sapat na ba yon para makita ko na ang taong minahal ko ngunit iniwan ko lang din dahil mas pinili ko ang career ko kesa sa kanya?Napa buntong hininga na lang ako.Kinuha ko ang cellphone ko at tinext ko na si Mommy at ang bestfriend ko na si Troy upang sabihin sa kanila na nandito na ako.Ilang minuto lang ang nakalipas ay tumawag sakin si Mommy na sa bahay na daw ako
dumeretso.Kaya tumawag na ako ng taxi upang makapunta na ako sa bahay namin.Sinabi ko naman kaagad kay manong kung saan ang address at nakarating din kami kaagad dahil di naman traffic.Binayaran ko na si Manong at nagpatulong akong magpabuhat ng bag.Buti nalang medyo malakas pa si Manong Hahaha.
Pumasok na ako sa bahay namin at nadatnan ko naman si Dad na nasa sala habang nagbabasa ng newspaper at umiinom ng paborito nitong kape.
"Hi Dad I miss you.
Nabigla naman si Dad dahil hindi niya alam na ngayon ako uuwi.
"Ken ikaw na ba yan?Bat di mo sinabi na ngayon ka uuwi para naman napasundo kita sa driver natin.
"Balak ko kasi kayong isurprise Dy.By the way,Where is Mom?
"Nasa kusina siya nagluluto ng favorite mo.
Pinuntahan ko na si Mommy sa kusina at binigay ko na rin ang pasalubong ko sa kanya.Ayaw pa nga niyang tanggapin kasi meron na daw siya nun Hahaha.Syempre binigyan ko din ang tauhan dito sa bahay.

Umakyat muna ako sa kwarto upang maayos ko na ang gamit na dala dala ko.Napatingen ako sa picture naming dalawa na nakasabit sa may gilid ng aking kwarto picture yun nung kami ay kinasal,Makikita mo sa ngiti naming dalawa na halatang mahal namin ang isa't isa.Eh ngayon kaya baka one sided love nalang.Napapa buga na lang ako ng hangin sa tuwing naiisip ko na baka may iba na siya.Napatigil lang ako ng tawagin ako ni Mommy dahil nakahanda na daw ang pagkain.
Habang kumakain kami,Tinanong ako ni Mommy.
"Balak mo na ba siyang puntahan anak?
Oo nga pala siya ang dahilan kung bakit ako umuwi ng Pilipinas namimiss ko na si Mahal.
"Siguro bukas nalang po My,Pati dun ko din po balak mag stay muna sa bahay namin.Para naman makasama ko na ulit siya.
"Ken kahit anong mangyari ha wag mong kakalimutan nandito lang kami ng mommy mo.
Alam ni Daddy ang nangyari samin ni Rosh.Nuong una nga nagalit sakin yang si Daddy dahil di ko daw iniisip kung ano ang mga ginagawa ko.Pero wala din napatawad din niya ako.wala siyang magawa anak niya daw ako eh.Kaya mahal na mahal ko ang magulang ko sobra silang thoughtful
Nang matapos na kaming kumain nagpaalam ako sa kanila na pupuntahan ko lang ang kaibigan kong si Troy.Pumayag naman sila dahil kilala na nila si Troy,Siya ang naging kasama ko sa US dahil wala naman akong kilala dun,Naging magkaibigan kami dahil parehas kami ng status nun kaso ang sa kanya siya ang iniwan,Kaya naman na guilty ako sa ginawa kong pang iiwan sa taong mahal ko.

Nakarating naman kaagad ako sa bahay nila.Nakita ko siya na nagbabasa ng libro sa may garden nila.Naisip ko na pag tripan ito kaya naman dahan dahan akong lumapit sa kanyang likod at tinakpan ko ang mga mata nito.
"Shit sino to?
"Hulaan mo.Hahaha
"Jusko Ken ikaw lang pala.Akala mo di kita makikilala asa ka kilalang kilala na kita Hahaha.Asan nga pala pasalubong ko?
"Tsaran makakalimutan ba kita ikaw lang naman ang bestfriend ko dito.
"Ano nga palang pinunta mo dito?
"Wala.Di ba pwedeng namiss lang kita Haha.
"Sus.Eh kung ikiss kaya kita dyan Haha.
Oo nga pala may gusto nga pala sakin tong si Troy.Naalala ko pa nung nasa US kami nagtapat siya sakin ng nararamdaman niya.Pero sinabi ko sa kanya na di ko masusuklian ang pagmamahal niya sakin.Kaya naman nakipagkaibigan nalang siya sakin.Dahil mahal ko pa talaga si Rosh nun.
"He!Sampal gusto mo?
"Eto naman di mabiro.Seryoso ano bang kailangan mo?
"Wala nga binibisita lang kita bakit masama ba yun?Pati bukas dun na ako titira sa bahay namin ni Rosh.Natahimik bigla si Troy dahil sa sinabi ko.
"Uy bat natahimik ka?
"Wala may inisip lang ako.Ok na ba kayong dalawa?
"Actually hindi pa eh.Dun lang ako titira para naman maayos ko na ang problema ko.
"Hays buhay nga naman,Tara inom tayo.
Pumayag naman ako dahil namiss ko na din tong bestfriend ko at ang mag inom .Pumasok siya sa bahay niya dahil kukuha daw siya ng beer.Inintay ko na lang siya na makabalik sa pwesto namin.May dala siyang anim na bote ng beer tsaka dalawang balot ng chicharon.
"Oh tig tatlo tayo.Kinuha ko naman agad ito at sinimulan ko ng inumin.
"Oy dahan dahan naman akala mo problemadong problemado ka.
"Bakit hindi ba? Di na ako nito pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang ini inom ko.Nang matapos kami ay medyo madilim na.Kaya naman nagpa alam na kami sa isa't isa.Itinawag niya naman ako ng taxi dahil wala akong dalang kotse.
Habang nasa taxi ako naka agaw ng pansin sakin ang isang lalaking may kahalikan na babae.

Di ko namalayan ang unti unting pagtulo ng luha ko.

"Rosh.

-

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nagmamagandang Author's Note:

Whooo natapos ko din ang chapter 1 Hahaha.Nakakatuwa pala kapag nakatapos ka ng isang chapter Hahaha.Sana magustuhan niyo po ang aking akda.Pasensya na maikli lang po Hihihi.

Tears Of Ken (gayxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon