-----------------------------------------------------------------------------
"We are never ever ever getting back together"Rosh:
Nagising ako dahil sa mabangong amoy na niluluto ata ni Ken.Namiss ko na yung masasarap niyang luto.Don't get me wrong,yung luto niya lang ang namiss ko hindi siya.Bumangon ako sa higaan namin at inayos ko muna ito bago pumunta sa CR para maligo.May pasok pa nga pala ako sa Office.Simula kasi nung umalis siya pinagpatuloy ko pa rin ang pagta trabaho sa Office ni Dad.
Bumaba na ako at pumunta sa kusina.
"Good Morning.Kumain kana nagluto ako ng paborito mo.Masaya niyang pagkakasabi.
"Wala akong gana,Ikaw na lang ang kumain nan.
"Kung aalis ka nga pala wag mong kalimutan na ilock ang pinto mahirap na kapag nanakawan ako.At malaya kang gawin kung ano ang gusto.Mag uwi ka na lang lalaki ok lang basta kahit ano at wag mo din akong papakialaman sa mga gagawin ko.Nawala ang ngiti sa labi niya dahil sa sinabi ko,Totoo siguro Haha.
"Ganun ba ang tingin mo sakin?Di ko na lang siya pinansin at lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse ko.
Nakarating din naman kaagad ako sa Office namin,Buti nalang di masyadong traffic."Good Morning po Sir"ayan ang sinasabi nila kapag nakakasalubong ko ang sinuman.Sumakay na ako elevator at nagtungo sa mismong office ko.
"Good Morning Sir Rosh.Coffee? Hyper na pag kakasabi sakin ng Secretary ko.
"Yes with cream.Thank you Jen. Nginitian ko pa to bago ako pumasok.Naupo ako sa swivel chair at nag simula na rin akong magtrabaho.Nang may tumawag sakin cellphone.Sinagot ko na lang ito dahil si Dad ang tumatawag.
"Good Morning Dad. Casual kong pagbati dito.
"Totoo ba yung nalaman ko na nandiyan na si Ken?Nakalimutan kong sabihin close nga pala sila nila Mom and Dad.
"Yes Dad.Bakit po?
"Invite mo siya na satin nalang siya mag dinner.
"Sige Dad dadaanan ko na lang siya sa bahay.
Anubayan ayoko ngang makita pagmumukha ng baklang yun tas ininvite pa siya ni Dad.Wala na akong nagawa at utos yun ni Dad.Bigla nalang bumukas ang pinto at pumasok ang secretary ko.
"Sir eto na po yung coffee niyo.
"Palagay na lang diyan sa table ko and you can now go back to your work.
"Sige na po Dad marami pa akong ginagawa dito.See you later.Tinapos ko lang ang mga gawain ko hanggang mag lunch,At inayos ko na ang gamit ko at pupuntahan ko na si Ken..Papalabas pa lang ako ng office ko ng biglang dating naman ni Ken.
"Mabuti na lang nag punta ka dito.Tumawag sakin si Dad at sa bahay na daw tayo mag dinner.
"Sige ngayon na ba tayo aalis? Masaya nitong sabi.
"Maya maya na siguro dadaan pa ako sa mall.Pumunta ka na lang dun diba alam mo naman yun.
Bakas sa mukha nito ang pagka dismaya,Akala siguro nito isasabay ko siya.
Iniwan ko na siya at nagpunta sa parking lot upang kunin ang kotse.Nag drive na ako papuntang mall at bibili pa ako ng pasalubong para sa magulang ko.Namiss na din sila.Simula ng maging mag asawa kasi kami ni Ken bihira ko na silang madalaw kaya naman gusto kung bumawi sa kanila.
Mabilis rin naman akong nakarating sa mall dahil walang traffic.
Di na ako nagtagal at umalis rin kaagad ako at dumeretso sa bahay namin.Ken:
Naiwan akong tulala sa bahay namin di ko inaasahan na magiging ganun ang pakikitungo niya sa akin.Wala na rin akong nagawa kundi ang kumain ng mag isa.Hay hanggan kailan kaya magiging miserable ang buhay ko.Unang araw ko pa lang dito parang pinapatay na ako sa sakit ng pagtrato niya sakin.
Natapos na rin akong kumain at niligpit ko na ang mga kalat.
Nagpahinga lang ako saglit dahil balak kong linisin ang bahay namin.
Naupo ako sa sala namin at nakita ko ang picture naming dalawa na naka display sa may dingding.Kuha yun nung kami ay ikasal dalawa makikita mo sa ngiti namin na mahal namin ang isat isa,Ngayon ata one sided love nalang ako nalang ang nagmamahal.Di ko maiwasan ang malungkot kapag naalala kong di na niya ako mahal gaya ng dati.Ano kaha ang kailangan kong gawin para mapatawad niya?Naligo na ako dahil naisipan ko na puntahan siya sa office niya.
*Montecillo Group Inc.*
Nang makarating ako sa building nila pumasok na din ako kaagad binati din naman ako ng mga security guards at iba pang trabahador dito.Alam din kasi nila na mag asawa kami ni Rosh.Ewan ko lang kung alam nila ang mga katangahang ginawa ko.Sumakay ako sa elevator at nakasabay ko ang secretary niya.
"Good Morning Sir.Pupuntahan niyo po ba si Sir Rosh?
"Yes andiyan ba siya?
"Yes po deretso nalang po kayo dun sa office niya.
"Tanks.Sabay ngiti ko naman dito.Nakalabas na ako ng elevator na siya namang labas ni Rosh.Nginitian ko naman ito ngunit di siya gumanti.
"Mabuti na lang nagpunta ka dito.Tumawag sakin si Dad at sa bahay na lang daw tayo mag dinner.
"Sige ngayon na ba tayo aalis? Nakangiti pa rin ako nan
"Maya maya na siguro dadaan pa ako sa mall.Pumunta ka na lang dun diba alam mo naman yun.
Halos madismaya ako sa sinabi nito akala ko makakasabay ko siya papunta kila Mommy Jem.
Naiwan nanaman akong mag isa dito at naupo muna ako sa may waiting chair dito.Nadatnan naman ako ng sekretarya niya.Hanggan ngayon siya pa din yung secretary ni Rosh.
"Ahmm Jen pwede ba kitang maka usap?
"Yes naman po Sir Ken.
"Wag muna kong tawagin Sir di naman ako Boss dito si Rosh lang.
"Sige po.
"Matanong ko lang may sinasama bang babae dito si Rosh?
Nakita kong namutla si Jen sa sinabi ko.
"Ah eh si- sir ahhm wag po kayong magagalit ah.Pati wag niyo pong sasabihin kay sir Rosh na ako ang nagsabi.Meron po minsan nga po ibat iba eh.May problema po ba kayo ni Sir Rosh?
"Ahh ganun ba.Oo eh ako ang may gawa kung bakit nagkaganyan ang Boss niyo. Nakakalungkot lang isipin na di na ang dami na niyang naging girlfriend oh kaya ay ka fling.
"Pasensya na po Sir Ken. Pagpapaumanhin nito sakin.
"Hayaan mo ok lang yun deserve ko naman ito eh.Salamat pala ah.Sige mauuna na ako pupunta pa kasi ako sa kanila eh.Tumayo na ako at nilisan ang lugar nayon.Papunta na ako sa bahay nila Rosh.Di ko maiwasan ang makaramdam nang kaunting kaba.Paano nalang kapag nakaharap ko na ang mga magulang nito ano nalang ang sasabihin ko?Hays bahala na Lord tulungan niyo po ako.**
Nagmamagandang Author's Note:
Feel niyo po ba yung mga updates ko?Guys suggest naman po kayo nang opinion niyo about sa story ko.Bawi nalang ako Haha.
BINABASA MO ANG
Tears Of Ken (gayxboy)
RandomSabi nila kapag mahal ka maiintindihan ka nila pero bakit di naman ata totoo.Oh sadyang tanga lang ako dahil mas pinili ko ang pangarap ko kaysa sa taong mahal ako.Siguro di talaga kami para sa isa't isa o di pa lang kami handa para maging perfect c...