Fourth Tears: Dinner

17 1 1
                                    


--------------------------------------------------------------------------------------------

"And a Moment like this"

Rosh:

"Hi Mom,Hi Dad.Napatingin naman sa gawi ko si Mom at dali dali g tumakbo Hahaha di naman halatang excited eh.Niyakap ko na lang si Mom at binigay ko na ang pasalubong ko.
"Oh nasan ang asawa mo?
"Ay di ko na nadaan nag text kasi siya na pupunta nalang daw siya dito.Punta lang ako sa kwarto ko Mom.
"Sige papatawag nalang kita kapag kakain kana. Umakyat na ako sa kwarto at natulog nalang  nakakapagod talagang magtrabaho.
Makalipas ang ilang oras.Nalimpungatan ako dahil sa ingay sa baba,Naririnig ko ang boses nila na nagtatawanan.Kaya naman bumaba ako para malaman ko kung sino ang kausap nila.Si Ken lang pala.Nagderetso ako sa kanila at nakisali na din ako sa usapan nila.Pinag uusapan nila ang tungkol sa nangyari kay Ken sa Us sa loob ng dalawang taon.

Nang makaramdam ako ng gutom niyakag ko na silang kumain.Kaya naman isa isa na kaming tumayo at nagderetso sa may kusina.

Ken:

Nakarating din naman ako kaagad sa bahay nila Rosh.Nakita ko naman sila Mommy at Daddy sa may sala na nanunuod ng T.V. di nila naramdaman ang pagpasok ko kaya ako na ang nag usap.
"Hi Mom and Dad.Masaya kong bati sa kanila.Napatingin sakin si Mom at dali dali akong niyakap.Hay namiss ko din tong si Mom.Naupo na kami sa sofa at nanuod lang kami ng T.V. nang wala nang magandang palabas nag kwentuhan lang kami ng tungkol sa nangyari sakin sa US.
Di pala nila alam ang ginawa ko na pang iiwan ng basta basta kay Rosh.

Maya maya nakita ko si Rosh na pababa ng hagdan.
Ang sarap talagang titigan ni Mahal.Mula sa makapal na kilay,Matangos na ilong,mapulang labi at ang sobrang kinis niyang mukha na nahiya ang pimples na tumubo.
Nagbalik lang ako sa realidad ng maupo siya sa tabi ko.Habang tumatagal ang usapan namin nakikisali na din samin siya.
Sana lagi nalang kaming ganto.Yung tipong wala kaming problema.Hays kailan kaya kami babalik sa dati oh baka naman di na mangyari yun.
Buti nalang nag aya na si Rosh kumain dahil nagugutom na ako.Isa isa na kaming pumunta sa kusina.

"Oh Ken kain ka lang ah.Wag kang mahihiya. Alok sa kin ni Mommy
"Rosh lagyan mo ng pagkain si Ken para di na makatanggi. Sabay ngiti samin ni Daddy.
"No need na po.Kaya ko naman. Sabay tingin ko kay Rosh,Inirapan lang ako nito.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain ko nang biglang umusap si Mommy.
"Ken dito na kayo matulog ni Rosh.Wala ka namang pasok bukas diba Rosh.Sabay tingin nito kay Rosh.Sasagot na sana na ako ng sumagot si Rosh.
"Sige po Mom dun nalang kami sa kwarto ko matutulog. Binigyan naman ako nito ng look na *umoo ka.Kaya naman napasagot na din ako ng.
"Sige po Mom. Wala na akong magagawa gusto niya to eh.
Tinapos ko lang ang pagkain ko at nagpaalam na ako sa kanila na aakyat lang ako sandali.Pumasok na ako sa kwarto ng Asawa ko.Parang di lalaki ang may ari sobrang linis at well organize ang mga gamit.Pumunta na ako sa CR dahil gusto kong maligo.Buti nalang may dala akong damit na pamalit.Saglit lang din akong naligo.Nadatnan ko pa si Rosh na nagbibihis ng damit.

Di ko maiwasan ang mamula.Dahil na sa magandang tanawin ang nasa harap ko.Oh tukso layuan mo ako.Aaminin ko may nangyari nanaman din samin ni Rosh kahit papaano.Naalala ko pa nga nung unang may mangyari samin halos di na ako makalakad sa sobrang sakit ng pang upo ko ang laki kasi ng kanya eh.
"Hinahanap ka ni Mommy maku kwentuhan daw kayo. Umalis na di  siya kaagad pagkasabi niya nun.
Nag ayos lang ako saglit at bumaba na din ako.Nakita ko si Mommy na kausap si Daddy at Rosh habang nag iinom ang mag Daddy.Hay ang sarap nilang tignan isang masayang pamilya.Maari pa naman sigurong mangyari sakin yan no?
Natauhan lang ako ng tawagin ako ni Daddy at sinabing sumali na daw ako sa kanila.
"Oh eto beer inumin mo yan ha.Wag mo akong tatanggihan minsan lang ako mag alok sa iyo.
Wala naman akong nagawa at mapilit talaga tong si Dad.

Nakakailang bote na sila Rosh nang pigilin sila  ni Mommy dahil mga lasing na daw sila.Sadyang matigas ang ulo ng mag ama kaya naman deretso lang sila.Nag paalam na si Mommy samin dahil inaantok na daw siya.Binilin niya sakin ang mag ama.At sinabi niya kay Manang Lucy na ayusin ang kalat pagkatapos.
Makalipas lang din ang ilang minuto niyakag ko na silang dalawa at pumayag naman sila.Inuna ko munang ihatid si Dad tsaka ko sinunod si Rosh.Halos matumba kami sa hagdanan dahil ang kulit kulit ni Rosh,Ganto talaga to kapag nalalasing akala mo bata.
Ihiniga ko lang siya kama at bumaba ako saglit para kumuha ng tubig at towel.Nang makabalik ako sa kwarto nakita ko nanaman itong sumusuka.Hays di pala kaya umiinom pa.Sinimulan ko na siyang linisin.Hinubad ko na ang pantaas niya saka pinunasan ang mukha niya sinunod ko naman ang katawan niya,Halos manginig ako dahil sa init ng katawan niya.

Tatayo na sana ako ng bigla niya akong higitin kaya naman napahiga ako sa may tabi niya.

Unti unti siyang gumalaw papalapit sa mukha ko.Gosh hahalikan ba ako nito?Pinikit ko na lang ang mata ko ng maka ramdam ako ng basa sa may dibdib ko.Shocks sinukahan niya lang ako akala ko pa naman hahalikan niya na ako.Tumayo ako at nagpalit muna nang damit bago ko ito nilinisan ulit.Nang matapos ako ay niligpit ko muna ang mga ginamit ko.At bumalik na ako sa kama.
Mahihiga na sana ako ng makita ko ang ilang butil ng luha sa may pisngi niya.Nanaginip kaya siya?Pinunasan ko na lang ang luha niya at hinalikan ko siya sa noo bago ako matulog.

Sana mapatawad mo na ako Rosh.

**
Nagmamagandang Author's Note:

Guys suggest nga po kayo nang pwedeng maging ending nitong story ko.Thank you po.

Tears Of Ken (gayxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon