——————————————————
I won't break you, I will not let you down, Open up again I believe in second chancesKen:
Nagising ako ng pagmulat ko ay ibang kwarto ang bumungad sakin puro puti ito at bakit ako nandito? Shit naala ko nga pala yung nangyari sa pagitan namin ni Marianne. Meron kasi akong hemophobia kaya siguro nawalan ako ng malay na naging dahilan ng pagpunta ko dito sa hospital. Sino kaya ang nagdala sakin dito? Nalungkot naman ako ng maalala ko na di manlang ako tinulungan ni Rosh dahil alam ko na alam niya na takot ako sa dugo.
Nabigla naman ako ng may pumasok sa room ko.
"Ahm Troy ikaw pala"
"May dala akong pagkain sakto pala dating ko Hahaha"
"Ikaw ba nagdala sakin dito?"
"Maniniwala ka ba kung sabihin ko sayo na si Rosh ang nagdala sayo dito?"
Bigla naman namula ang mukha ko ng maisip ko na baka siya nga ang nagdala sakin dito. Di ko naman maiwasang ang kiligin, kahit papaano ay concern pa rin siya sakin.
"Oh masaya ka na dahil siya ang nagdala sayo dito?"
"Medyo hahahaha. Eh nasaan nga pala siya?"
"Nasa bahay niyo ang sabi niya sakin ako na daw bahala sayo"
Medyo nalungkot naman ako sa sinabi niya di niya ba ako pupuntahan dito? Napabuntong hininga nalang ako. Okay lang titiisin ko nalang ako rin naman ang dahilan ng lahat ng ito eh.
"Kain na tayo. At sabi nga pala ng doctor pwede ka na daw lumabas mamaya pati yung bill ok na rin daw"
Bumangon na ako sa higaan ko at lumapit kay Troy upang kunin ang pagkain ko habang kumakain ay tinanong niya sakin kung bakit ako naospital, So ikinwento ko naman sa kanya ang nangyari kahapon.Nagpahinga na din ako saglit at nadischarge na rin naman ako kaagad. Si Troy na ang naghatid sakin sa bahay upang masiguro daw niya na safe akong uuwi. Aba grabe tong bestfriend ko sakin walang tiwala Hahahaha.Nagpasalamat na rin naman ako kay Troy pagkahatid niya sakin sa bahay di na siya pumasok dahil may aasikasuhin pa daw siyang ibang bagay.
Pumasok na ako sa bahay namin ng madatnanan ko si Rosh na nanunuod ng TV.
Lumapit naman ako sa kinaroroonan niya at
"Ahmm T-thank you nga pala sa pagdala sakin sa ospital."
Tinignan niya lang ako saglit at binalik na rin ang tingin sa TV
"Anong gusto mo para naman mabayaran ko naman yung pagdala mo sakin sa ospital?"
"Gusto mo malaman kung ano gusto ko? Simple lang, ang pirmahan mo ang divorce papers natin."
Natigil naman ako sa sinabi niya at napayuko nalang di ko alam ang gagawin ko. Wala na ba talagang pag asa?
"Yun ba talaga ang gusto mo?"
"Oo ng mawala ka na dito sa pamamahay na to"
"Sige pagbibigyan kita dyan pero hayaan mo muna akong mahalin ka ng kahit isa o tatlong buwan pa."
"Wow. Bahala ka kung ano ang gusto mo basta pirmahan mo nalang ang divorce papers after ng ilang buwan na sinasabi mo"
"Pwede ba sa loob ng ilang buwan na yun tayong dalawa lang muna walang Marianne o kung sinoman na babae mo. Na mananatili ako dito na parang walang nangyari sating dalawa."
"Iba ka din talaga Ken!! Sabi ko nga bahala ka sa gusto mo."Buti nalang at pumayag siya sa nais ko na mangyari gagawin ko ang lahat mapabalik lang siya ulit sakin. Sana makayanan ko di ko na sasayangin ang pagkakataong ito. Pinapangako ko sayo Rosh mamahalin mo ulit ako.
—————————————————
Nagmamagandang author's note:
Again sorry kung maikli.
BINABASA MO ANG
Tears Of Ken (gayxboy)
RandomSabi nila kapag mahal ka maiintindihan ka nila pero bakit di naman ata totoo.Oh sadyang tanga lang ako dahil mas pinili ko ang pangarap ko kaysa sa taong mahal ako.Siguro di talaga kami para sa isa't isa o di pa lang kami handa para maging perfect c...