CHAPTER 3

151 6 1
                                    

*WHY?*

Nabalik lang ako sa realidad nang inulan ako ng tanong at komento ng mga nagmamaganda kong mga kaklase. Aba! eh di mu alam kung nanglalait oh ewan eh. Napakadami nilang tanong at ang huli lang ang talaga namang sila na ang mga nagsisagot, ako? tagacomment nalang. Atleast may role padin. (>.<)

"minnie, natanong mo na ba kay papa jeepney guy kung BAKIT binigay nya ung papel sayo na may nakasulat na number nya? at tsaka oo nga pala ano ba totoong name nya? sure naman ako na nickname lang nya ang pochie no, ang Baho kaya! haha" - jorie

hay naku, mga laitera talaga 'tong mga 'to.

"Siguro kaya nya binigay kasi wala syang katext?"- mariz

"Siguro naman kung nickname nya lang ang pochie, name nya eh...

POCHITO?" - nam

"patawa kayo mariz at nam?" - (sarcastic) ako >.<

"haha, si nam talaga. Pero siguro maganda naman name nya pede namang POCHOLO. db? maganda din naman. dba minnie?" - cindy

"buti pa si cindy! Siguro nga yun name nya maganda naman eh!" -ako ^.^

"oo, lalo na kung ang apelyido nya eh Pao" -zha

"Pao?"- kami

"oo, Pocholo Pao, gugutom kasi ako eh gusto ko ng Ube Pao sa Ministop"- (^_^)v

"hahaha nice one zha!" - vhey

"haha tapos kaya pala binigay yung number kasi... hahahaha  

LOADING STATION KA BA?" - Eiram

"bakit?" - >.> ako

"kasi. kasi. kasi hahahahahahaha" -Eiram

"ocge tumawa ka na lang Eiram!" -pau

"hahaha eto na. kasi PALOAD DAW! HAHAHA BOOOOOOOM! KATAHIMIKAN...." -Eiram

"HAHHAHAHAHAHA" -sila

=.= ako  

tsk mga wala nanamang magawa mga 'to.

"Ahm minnie siguro kaya nya binigay yun sayo kasi baka gusto nya ung ibigay dun sa girl na maganda na katabi mo eh nahiya sya, ikaw nalang daw mag-abot! haha"- vera

"isa ka pa vera eh! ang sama nyo!"- Ako

"ang bait mo MEOW!" - (sarcastic) Jomy

"thank you! hehe" (^_^) - ako

"kayo naman siguro kaya nya binigay yun kasi gusto nya si Minnie!" - Pastora Len (hahaha pinagtanggol na nga ako inokray ko pa? haha peace! (^_^) V

"Oo na po mam! hahaha" - Zara

"ano Minnie? naitanong mo ba?"- Angela

"Hindi ko natanong kasi nga ayokong magtanong sakanya. Basta kwento lang sya ng kwento, nahihiya kasi talaga ako eh." - ako

"GANDA!" -(super laking voice ng lalaki) Eiro

"Dapat itanong mo na no, pati facebook para makita naman namin itsura."- kath

"Guys tara na! pasok na tayo!" - ahra

After noon, pumasok na kami at nagpatuloy sa klase namin. Nung uwian na namin nagulat nanaman ako (AN: kailan ba hindi? girl gulat!) Bakit ba laging may epal sa story na ito? Story ko ito hindi ba?

Anyways, ayon nga nagtext sya :) Ewan ko ba? Parang biglang sumaya ang araw ko.

POCHIE:  

Hello, Kamusta ang araw mo? :)

"Eto gumanda kasi nagtext ka :))" 

iiiih :) sabi ko lang yan sa sarili ko pero iba ang tinext ko.

Okay naman! Ikaw?

send.

POCHIE: 

Eto pauwi na ako. Ikaw din ba?

"Yup!"

Naexcite ako pauwi baka kasi magkita kami, pero naalala ko hindi nga pala sya talagang taga doon sa lugar namin. Buong byahe magkatext kami. Para nga akong tanga kasi nangingiti ako magisa eh :) Pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao.

Natanaw ko na yung lugar kung saan sya sumakay kahapon. Titingnan ko kung nadun sya baka sakali diba? bakit ba?

Dali dali akong sumilip sa bintana para tingnan kung nadun sya. Pero wala :( . hayy.

D-I-S-A-P-P-O-I-N-T-E-D!

Nakita ko nahulog yung panyo ko at pinulot nung lalaking kasasakay lang may naalala tuloy ako.

OUR JEEPNEY JOURNEYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon