Chapter 5

105 5 0
                                    

*HE'S GONE*

Araw-araw na kaming nagkakatext at siguro mga twice a week nagkakasakay kami sa jeep. Hindi ko alam kung coincidence lang talaga oh sinasadya ewan? but whatever it is. It makes me happy, very happy.

But im wondering, kilala nya kaya si Jovin? i mean, malay mo lang kasi parehas sila ng pinapasukan na school, i can't remeber Jovin's course but i know it has something to do with math same as pochie. Pero minsan naiisip ko baka si Jovin at sya ay iisa kasi nga yung mga pinapakita sakin ni Pochie. Pero imposible. Kasi wala na sya. Oo wala na si Jovin.

FLASHBACK

Uwian na namin at kailangan magresearch. Sa lahat ng research na binigay, ngayon lang ako naexcite kasi makikita ko yung lalaking nakilala ko kahapon at sya nga yun si Jovin. Hindi ko alam kung bakit pero talagang nakagaanan ko sya ng loob. At kahit isang beses ko pa lang sya nakikita, gusto ko syang makilala pa ng mas malalim. Malapit na ko sa comp shop kung saan ko sya nakita kahapon dahil nasabi nya saakin doon sya lagi kaya doon ako pumunta, nakita ko sya nakatalikod at sigurado akong sya yun dahil sa T-shirt nyang may nakalagay sa likod na "mga Babae talaga oh!". Ewan ko ba sa kanya? kung bakit favorite expression nya yun, hmp kainis kaya ah. Bitter ba sya sa mga girls? >.<

BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP!

Naramdaman ko na lang ang luha sa mukha ko na tuloy tuloy ang pagtulo. Nakita ko kung paano sya nabundol at binuhat ng mga tao doon para dalin sa hospital. Nagdesisyon na lang akong umuwi kahit na gusto kong sundan kung saang hospital sya dinala. Pero feeling ko di ko kakayanin.

Nang sumunod na araw nagtanong ako sa nagbabantay sa comp shop kung kamusta na sya dahil sa pagkakaalam ko close sila. Sinabi naman nya sa akin na puntahan ko na lang si Jovin sa hospital dahil wala pa daw syang balita. Ayoko man pero nakikita ko na lang ang sarili kong papunta na sa hospital. Pagdating na pagdating ko nagtanong ako sa nurse kung saan ang room nung naaksidente kahapon at Jovin lang ang nasabi kong name nya buti nalang at nagiisa lang sya dun pero naramdaman ko na lang ulit ang luha kong umaagos at tuloy tuloy lang sa pagtulo.

"Miss, wala na po sya! Sorry miss. Ahm..." - nurse

Umalis na akoat di na pinatapos ang nurse. Ang alam ko lang feeling ko nawala na ko sa sarili at parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa mga nangyari at narinig ko. Wala na sya.

END OF FLASHBACK

OUR JEEPNEY JOURNEYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon