Chapter 7

119 4 1
                                    

*THE MYSTERY GUY*

His' POV

Ako nga pala si POCHIE. Ewan ko ba kung bakit yan ang tawag sakin ng mga relatives ko. Nung bata daw kasi ako mahilig ako sa Pochie, ung candy? kaya naman siguro yun na yung tinawag sakin ng mga kamaganak ko.

Ang tunay kong name ay Jovin Bagtas. (Tama ako nga! Ako ang tinutukoy ni Minnie) Ang layo talaga sa Pochie no? Ang gwapo gwapo ng name ko tapos tawag sakin Pochie? Ang baho ah. Pero nakasanayan ko na rin at yun ang lagi kong ginagamit na codename. Nagiging astig diba? haha

Nga pala 3rd yr college na ko 20 years old, huminto kasi ako ng one year. Sa BU**U ako nagaaral. BSMATH ang kinukuha ko. Astig diba? hehe

LOVELIFE? Ahm Marami na kong nagiging girlfriend. Pero simula nang may nakilala ako. Ewan ko ba? Sya nalang talaga ang nagboarding house sa puso ko. Di ako yung tipong mahiyain or what, Pero nang makilala ko sya nagbago ako lalo na ng makita ko ULIT sya.

FLASHBACK

Second year na ako noon, mahilig ako magcomputer pagvacant since halos puro vacant ang schedule ko noon. Kakabreak lang namin ng girlfriend ko. Siguro mga 6 months na. Oh diba? Kailan lang. Aaminin ko di ko parin sya nakakalimutan kahit na ako ang nakipaghiwalay. Mahal ko parin sya talaga. Kahit masakit nakipaghiwalay ako sakanya kasi alam kong di na sya masaya. Kaya nilunod ko yung sarili ko sa computer para makalimutan sya. Buong oras ko yata eh napunta na sa pagcocomputer, kulang nalang nga maging girlfriend ko yung mismong computer shop. Hindi yung nagbabantay lalaki yun eh. Sus, sa gwapo kong 'to? Kawawa naman ang mundo pag naging bading ako. haha

Isang araw naglalaro ako sa paborito kong computer shop ng makita ko yung babaeng madalas din dito, wala namang ginawa kundi magfacebook at maglaro ng Farmville at kung anu anu pang laro sa fb. Everytime na makikita ko sya eh puro yun ang ginagawa nya. BORING!

Minsan nga nahuhuli ko syang nanghahalungkat ng fb ng iba. Tsk mga babae talaga oh!

"Kuya, yung bag mo po?!"

Tsk, ang taray naman nya. Mga babae talaga oh. (ulit ulit??) Naupo sya sa tabi ko, i mean sa tabi nung computer kung saan ako naka-in. Yung next cubicle, katulad sa mga usual na comp shop. Ewan ko ba bigla ako natameme. Tiningnan ko sya mukha talaga syang mataray.

Matatapos na ako maglaro noon nang parang ewan ko ba gusto ko syang kausapin. Kaya lang... NAHIHIYA AKO?

hindi! hindi! AKO? MAHIHIYA?

Kaya lang nahiya nga talaga ko.

Maya-maya nahulog yung panyo nya, kaya naman pinulot ko at nagkaroon ako nang chance na makausap sya. Nung una tinatarayan pa ako pero nung tumagal nagiging okay na sya.

Nagout muna ko at bumalik uli sa upuan ko para makipagkwentuhan sakanya.

"Taga saan ka?" -ako

"Naku, Ahm kuya?"- siya

"Jovin"- ako

"Ganda naman ng name mo! Ahm gusto ko pa sanang makipagkwentuhan kya lang may tatapusin pa kong project eh." -sya

"Ahh ganun ba? bakit kanina naglalaro ka? Tsaka nagffb? tsk mga babae talaga oh. Sige ako magbabayad ng time mo habang kinakausap kita okay ba yun? wala kasi ako makausap eh! please! :)"

"o sige na nga po" - sya

Kala ko hindi pa sya papayag eh. Aba! sino tatanggi sa libte diba? Nagusap kami at gumaan talaga yung loob ko sa kanya habang nakikilala ko sya. Gusto ko sana hingin yung number nya pero nahiya ako, siguro naman lagi ko naman sya makikita dito at marami pang pagkakataon. Marami pa kong nalaman tungkol sa kanya na nagbigay talaga sa akin ng thoughts that dhe is very interesting. Mabait naman pala sya.

Matagal na rin kaming nagkausap. At nagpapaalam na sya at kailangan na nyang umuwi dahil malayo pa yung uuwian nya. Nagask ako kung pede ko ba sya ihatid pero di sya pumayag! Tsk ano ba pumasok sa kokote mo Jovin at gusto mo sya ihatid. Naku naman Jovin oh!

Matagal na kami nagkausap pero di ko pa nga pala alam ung name nya! Tanga mo talaga Jovin.

"Oo nga pala ano nga pala name mo?"-ako

"haha kuya talaga, tagal tagal na natin magkausap eh ngayon mo lang tinanong name ko? haha"-sya

"oo nga eh"-ako

"Ako nga pala si Minnie, Minnie Gonzales."

At umalis na sya kasabay ng pagtibok ng puso ko ng napakabilis.

OUR JEEPNEY JOURNEYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon