Chapter 8

102 5 0
                                    

*AFTER THE ACCIDENT*

 JOVIN'S POV

Yes! Jovin and I are the same, one person.

FLASHBACK

After ng accident ko, mga one month akong hindi nakapasok, kaya naman naghinto ako ng isang taon. Bumabalik balik parin ako noon sa comp shop, umaasa ako na makikita ko ulit si Minnie. Pero, never ko na syang nakita. Araw-araw I always pray na sana magkita kami. Even if I feel na parang impossible na, I still think of possibilities. At hindi nga ako nagkamali.

Papunta ako noon kay Felina, sya yung nagligtas sa akin noon na ngayon eh may malubhang sakit. Gusto ko syang alagaan dahil utang ko sa kanya ang pangalawang buhay ko kaya madalas ako pumupunta doon sa kanila. May gusto sa akin si Felina kaya naman noon pinilit ko syang mahalin kasi nawalan na rin ako ng pagasang makita ulit si Minnie. Nasaktan ko sya ng sabihin kong si Minnie parin talaga ang mahal ko. Noong uba di nya matanggap, sabi pa nga nya sakin noon, bakit daw kung sino pa yung matagal kong nakasama, sya pa yung di ko magawang mahalin at kung sino pa yung isang beses ko lang nkita sya pa yung nakuha kong mahalin ng pangmatagalan, kahit ako di ko alam, basta ang alam ko lang mahal ko si Minnie. Sa huli, natanggap din ni Felina lalo na nung nadiagnose na may malubha syang sakit. Doon nya sinabi saakin na kilala nya pala si Minnie.

Pero di nya sinabi saakin kung saan sya nakatira. Yun lang yung sinabi nya kilala daw nya si Minnie. Lagi ko syang kinukulit pero ito lang sinasabi nya saakin.

"If two people are meant for each other no matter how long they've been apart, destiny will help them meet."

Honestly, I don't believe in destiny. I do believe in FREE WILL. Pero, anong masama kung subukan diba?

And One day. IT WORKS. We meet in the Jeepney.

Papunta na ko noon kila Felina ng pumara ako ng jeep. Di na sana ako sasakay kasi mukhang puno na pero since nagmamadali ako kasi maggagabi na sumakay na rin ako. At nakita ko sya. si Minnie.

Tiningnan niya ako at tiningnan ko din siya. Ngingiti sana ako sakanya pero binawi nya bigla yung tingin nya. At noon alam ko na na hindi nya na ako natatandaan. Ouch!

Nung nakaupo na ko tinitingnan ko uli sya baka kasi namalikmata lang ako. Pero hindi feeling ko sya talaga yun. Nung medyo pakiramdam ko malapit na sya bumaba nagisip ako ng paraan paano ko sya macocontact after this. DESTINY WORKS and its time for my FREE WILL.

Huminto yung jeep at nagbabaan yung ibang pasahero, lumipat ako ng upuan, pumwesto ko sa harap nya baka kasi magkamali ako eh. Pero nung tiningnan ko ulit sya. Naramdaman ko! Sya yun. Kaya naman kumuha ako ng papel at ballpen at sinulat ko dun ang name ko at number. Bahala na kung itext nya ko o hindi atleast nakagawa ako paraan. Pumara na ako, iniabot ang papel at bumaba.

END OF FLASHBACK

Masaya ako at naging maganda pa rin ang resulta ng paghihintay ko at ang ginawa ko sa jeep na pagbibigay sa kanya ng # ko. Di na talaga ako nahiya. After ng nangyari saakin, narealize ko once in a lifetime lang 'to. At nung exactly two years na nga nagdecide ako na sabihin na sakanya na ako si Jovin Bagtas.

OUR JEEPNEY JOURNEYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon