Bisita

110 5 0
                                    

Cora's POV...
A month later.
"Huy!bes...magkano nalang babayaran ko sayo?" Sabi ko while putting nail polish.

"Wala na...ok na yung 5000.Bestfriend naman kita at guest room lang nirenta mo." Yieee.Kaya mahal ko tong bestplen ko eh..

Nagrent kasi ako ng room dito sa bahay mismo ng bestplen ko.Gusto ko lang kasing maging independent.Nasa U.S.A parents ko tapos yung kay Maymay nasa California.Pinapadalhan naman ako ni Mommy every week ng 50,000 incase daw na may bilhin ako.

"Yieee...lamat bes!" Yinakap ko siya kahit busyng busy siya sa paglalagay ng nail polish sa paa niya.

"Ayst!mag-ayos ka ha!may bisita tayo.." Napakalas naman ako..

"Sino?"

"Pinsan ko.Magbabakasyon lang.Pero pag gusto niyang magstay dito,dito ba rin sya mag-aaral.Buti nga 2 guest room namin kundi gogorabells ka" sabi niya at linigpit ang mga nail polish..

"Huy!teka muna...hindi pa ako tapos!" Pambihirang babae to!

"Bes...tanong ko lang ha..naka move on ka na ba?" Napatigil naman ako nun at napatingin sa kanya.

"HA-HA ano ka ba bes!ang pangit kaya nung gagong yun!" Sabi ko at ngumiti.

Pero deep inside ang sakit sakit pa.

"Hayy!tumayo ka na nga tulungan mo ako sa baba.Maglilinis tayo!Tsaka linisin mo rin tong kwarto mo ha!" Sabi niya at lumabas ng kwarto.

-------------
"Ok!so ang kulang nalang eh yung meryenda.Ako sa juice ikaw na mag toast nung bread.Paborito nya yun" seriously?kanina pa kami linis ng linis tapos kailangan pang asikasuhin yung pagkain niya?pwede naman siyang mag-order ng pizza eh!

"Napaka import naman ng bisita mo bes!" Reklamo ko.

"Wag ka nang magreklamo.Tsaka malapit na syang dumating.Buti at nakapag ayos ka na"

Nang matapos na naming ihanda yung meryenda eh naghintay nalang kami sa sala.

*Ding*dong*

"Ayan na siya bes!!" Tumalon pa ang bruha!

Binuksan nya naman yung pinto at bumungad ang isang...

ANG GWAPONG NILALANG MGA BES!!!!!!!!!!!!!!

GRABE BES!MAKALAGLAG PANTY-ESTE PANGA!

"Hello Kuya Tanner!" Yinakap naman ni Maymay si Kuyang Gwapo!Kahit pawis na pawis siya ang hot niya talaga tingnan!

Naramdaman kong lumapit si Maymay pero di ko pa rin matanggal tingin ko kay kuyang gwapo.

"Ehem!Bes!Si Kuya Tanner pinsan ko..."ngumiti siya..

NGUMITI SIYA MGA BES!NGUMITI SYA SAKIN!MAWAWALAN NA TALAGA AKO NG HANGIN!

" Ahm..bes ikaw na magpakilala..(bulong ni bes)"natauhan naman ako dun.

"Ahm-ano-ahm.I-im C-coraleen Wadell.Maymay's Bestfriend" sabi ko at abot ng kamat kamay ko.

"Tanner.Tanner Mata" tapos..tapos...

NAGSHAKEHANDS KAMI!!!!!!

Okay!Ang OA ko na yata!

Pero!Mababaliw na talaga ako!

Ang lambot ng kamay niya!Ayokong bitawan!

--------------------
Pasensya kung ang OA ni madam dyan!

Sana nagustuhan niyo!

Fumo love

Inlovebabo Ako SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon