Karamdaman

17 0 0
                                    

[15.02.17]



Masakit sa ulo habang nagtitipa.
Nakakasuka ang bawat mga salita.
Nahihilo't umiikot sa bilang ng lahat.
Mata'y lumuluha, dugo ang lumalabas.

Sumisikip mangilan-ngilang paghinga,
Nakakapagod, nakakapanghina na.
Naparalisang mga paa'y 'di makalakad,
Sa kumot natatakot at kinakabahan.

Humihina't nakakarinding pandinig.
Nanlalabong lumuluwang paningin.
Nanunuot sa katawan, hapdi at sakit.
Hirap bumigkas ang natutuyong bibig.

Mapait na mga gamot ang tinitiis,
Nakakasawang amoy sa 'king silid.
Nakakapangilabot ang huni at tinig.
Makalaya sana ang huling minimithi.

Susulat at bubuo ulit ng mga tula,
Na magsisilbing armas at panangga.
Naniniwala't gagaling din sa sumpa,
Sapagkat sa huli'y may pag-asa pa.

TulangotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon