Estupido

13 0 0
                                    

[22.11.16]


Alam mo ang ibig sabihin ng wala na?
Binigkas mo ito sa salitang tapos na.
Mga salitang tila bumaon sa'king puso.
Nagparalisa sa buong pagkatao ko.

Nagsusumamo na sana'y bawiin mo,
Katagang ayaw marinig ng tenga ko.
Pagka't ako ay magdurusa ng labis.
Magtatago at buhay ay sasayangin.

Tanga, ang sambit ko sa'king sarili.
Tanga, salitang pupukpok sa isip.
Tanga, tawag sa mga taong nasawi.
Tanga kasi nga nagmahal ng labis.

TulangotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon