[19.12.16]
Naiiyak ako.
Naiiyak hindi dahil nasaktan ako.
Naiiyak hindi dahil niloko mo 'ko.
Naiiyak kasi awang-awa na ako.
Awang-awa sa pang-gagago mo.
Awang-awa sa sarili ko.Nagmahal lang naman ako,
Ngunit pinaglaruan lamang ito.
Ngayon tingnan mo ako,
Umiiyak hindi dahil sa 'yo.
Umiiyak hindi dahil sa pagkukulang mo.
Umiiyak hindi dahil sa pagmamahal mo.
Kundi dahil sa pagmamahal ko,
Pagmamahal na para sa 'yo.
Pagmamahal na sana nasuklian mo.Kinain ko ang sarili kong pagkatao.
Nalunod sa pag-ibig mo.
Nabulag sa kabaliwang ito.Heto, lumuluha ng todo.
Ako mismo ang nanakit sa sarili ko.
Tumigil na dapat pero nagmatigas ako.
Ang sakit, ang sakit, sakit ng puso ko.
Walang ibang dapat sisihin kundi ako.

BINABASA MO ANG
Tulangot
PoetryTulangot. Hango sa salitang tula-kuno. Nangungulangot ng mga salitang ayon sa maingay na utak.