Kay haba man ng 'yong leeg,
Maamo nitong mukha'y nakangiti.
Sa'yong mga patpating binti,
Nagtatago ang sipang matindi.Isang praning na dyirap,
Sa pelikulang Madagascar.
Boring man daw s'yang kausap,
Ngunit 'di ka naman nito iiwan.Dyirap na hilig ang mga bulaklak.
Ika'y isang baduy na namumukadkad.
Misteryoso ka man sa'king isipan.
Matalik na kaibigan ang turingan.Saksakyan ang trip at mang-aasar,
Itatama n'ya ang maling pangungusap,
Makwento at astig na kaibigan,
Katangiang magugustuhan ninuman.Nagagalak at ika'y nakilala,
Isang napakabuting kasama.
Akala'y mahirap kang abutin,
Pero yumuko ka para sa'kin.Salamat dyirap sa lahat.
Salamat sa oras na ako'y nagagalit,
Sa'king walang kwentang hinain.
Na kahit nawala ang 'yong pandinig,
Ika'y mabuting nakikinig.Kahit ano ka pa'y nandito lang ako.
Kaibigang tapat, ganun din ako sa'yo.
Na kahit 'di magkita personal,
Sapat ang naipong pagkakaibigan.
![](https://img.wattpad.com/cover/98854446-288-k533141.jpg)
BINABASA MO ANG
Tulangot
PoetryTulangot. Hango sa salitang tula-kuno. Nangungulangot ng mga salitang ayon sa maingay na utak.