[30.11.16]
Natatawa na lamang ako sa mga alibi mo.
Alibi kung saan pinagloloko mo lang ako.
Kasinungalingan at walang bahid ng totoo.
Pawang gawa-gawa na pinaiikot-ikot ito.Nakakatawa t'wing bumubuo ka ng salita.
Tao'y kayang kumbinsihin maging tanga.
'Wag mag-alala 'di ako kabilang sa kanila,
Kaya't manahimik kang may ginintuang dila.Nakakatuwang tingan mga pambobola mo.
Akala mo siguro ako'y kinikilig ng todo.
Nagkakamali ka sa mga haka-haka, gago!
Bagkus isa kang gunggong sa paningin ko.Nakangiti ako sa 'yong masamang balak.
Kung ako sa'yo tumino't umayos kana.
Pagkat ang lahat-lahat ay may hangganan.
Baka magising ka na lang, dila'y bulok na pala.
BINABASA MO ANG
Tulangot
PoetryTulangot. Hango sa salitang tula-kuno. Nangungulangot ng mga salitang ayon sa maingay na utak.