[15.02.17]
Nagtataka ba kung marunong akong sumulat?
At kung bakit ako nawiwili sa tula?
Hindi dahil sa gusto't hilig ko 'to,
Kundi dahil sa mga emos'yon mo.
Isipin mo mang ginagamit kita,
Basta't para sa 'kin ika'y isang obra.
Nangunguha't nangangalap ng p'yesa,
Na parang 'sang magaling na p'yanista.Nais kong malaman ang pagkatao mo,
At dahil sa mapipilit, tigas ng aking ulo,
Natuklasan kong nagkamali pala ako.
Emos'yon tila sa sarili'y naramdaman ko.
Ako pala dapat ang makadama ng mga 'to.
Pag-ibig na s'yang nagbigay kulay sa mundo,
Lungkot na nagpatamlay sa aking puso,
Sakit na nagpalala sa mga nararamdama't iniinda ko.Salamat naging inspiras'yon ka ng tulang 'to.
Ngunit hindi ibig sabihin ito'y alay para sa 'yo.
Pagkat para ito sa mambabasang tulad ko,
Na gustong iparamdam kung ga'no kasakit mabigo.
Hindi gamot at solus'yon ang oras o panahon,
Hihilom ang sugat sa tulong mo mismo.
At kapag ito'y nalampasan at naka-ahon,
Tila magiging makabuluhang panaginip na lamang ito.
BINABASA MO ANG
Tulangot
PoetryTulangot. Hango sa salitang tula-kuno. Nangungulangot ng mga salitang ayon sa maingay na utak.