11: The Revelation

2.6K 72 8
                                    


Chapter 11 para sa lahat ng sumusuporta! Salamat po! God bless u all! :) 




JHOANA. 


"Uy, anak, hello sainyo nang kaibigan mo! Pasok kayo sa loob , oh, kayo na nga rin sumundo dun kay Bea, ang tagal bumaba eh." salubong sa amin ni Tita nang makapasok kami sa main door nila. Kala mo kasi palasyo ang bahay kaya kung ano anong pasikot sikot ang mayroon e. 


"Sige po tita." nginitian namin ni Therese si Tita Det, ang mommy ni Bea. Maganda rin si Tita, parang ako, di ko nga alam kung saan nagmana 'yang si Bea eh, gwapo rin naman si Tito Elmer. Hayst, nakakapagtaka talaga... Joke!! Haha! 


"Therese, akyat na muna ako ah? Upo ka nalang doon, okay?" sabi ko kay Therese na di pa rin makabawi sa gulat dahil sa laki ng bahay nila Bea. 


"Uhm, ano.. Bes, sama nalang ako.. Baka kasi maligaw ako eh. Laki ng bahay kasi... NKKLK! Nakakaloka, teh!" sabi nya. Aynako, baliw talaga. 


"Osya, sige, tara, akyat na tayo." hila ko kay Therese paakyat ng hagdan. 


Noong nasa tapat na kami ng kwarto ni Bea, pipihitin ko na sana yung door knob, kaso...... 


"IKAW?!!!" 


"IKAW?!!!!" 



Kainis naman, o! Pag minamalas ka nga naman talaga! Sa dinami rami ng pwedeng makita kong tao ngayong gabi, ang nakita ko pa ay si... teka, ano nga ba ang pangalan nito? 


Kid? Kim? Kit? Kir? Kiw? 


Aish, di ko maalala! 


"Ba't ka andito?!" sigaw ko nang makabawi sa pagkakagulat. 


"Wow, sa'yo 'tong bahay, sa'yo?" sarcastic niyang tanong. 


"Oy, ano ba 'yan? Kib, sino kausap mo?" narinig kong tanong ni Bea. "In fairness, kaboses ni Jho.. sana lang at 'di niya kamukha at matatawa talaga ako." tumawa siya. 


Aba, bwisit 'to, ah? Mang-iinvite tapos manlalait lang? 


"Eh pasensya ka, di ko kilala tong kausap kong gasul. Sinong Jho ba kasi? Masarap JHOmbagin? Hahahaha!" tumawa itong si Kid? Ay SHUNGA, Kib nga pala! Pati si bea tumawa na rin. Aba! 


"Eh kung ikaw kaya JHOmbagin ko diyan?" matapang at umuusok ang ilong sa galit kong sagot sa kanilang dalawa. 


Natigilan naman si Bea at si Kib sa pagtawa. "H-ha? E-eh.. sino ka ba?" narinig kong sagot ni Bea habang papalapit. Si Kib naman, nakatingin lang at tila naghihintay sa isasagot ko. 

The Ugly Duckling (Jhobea Fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon