27: Reunion Part One - Flashbacks

1.7K 34 1
                                    

**CLICK THE EXTERNAL LINK TO WATCH THE OFFICIAL TRAILER OF I WATCHED HER FALL FOR SOMEONE ELSE (A JHOBEA AND JIBEA FANFIC) ON YOUTUBE. THANLK YOU. 

Hello mga bes. Eto na ang mahiwagang reasons ng mamshie nyo kung bakit ang tagal na nga ng update e, hindi pa ganun ka-okay yung chapter. 

1. Ilang linggo'ng/buwa'ng tinamad. 

2. Masyado na akong kinain ng He's Into Her (na hanggang ngayon ay hindi ko mahanap ang season 3, kaya kung may visible sainyo, paki-comment naman po yung link huhuhuhu) 

3. Kinain ng sistema ng Shek's Diary. 

Kung sobrang sabaw po ng chapter na to para sa inyo, sorry po talaga, nilalagnat ang shoklang mamshie nyo. :( 


PS. MEDYO CHAROTERA PO ITONG CHAPTER NA TO HAHAHA!! NAKAKALOKA PRAMEZ! NAKAKABWISIT RIN HAHAHA!! TAPOS MADAMI PO AKONG KALOKOHAN RITO, WAG LANG PO PERSONALIN KASI HINDI NAMAN PO TALAGA GANUN YUNG CHARACTERS SA TOTOONG BUHAY. YUN LANG HEHE. TALAMAT PO! GODBLESS YOU. STAY SAFE, EVERYONE. ALWAYS LOCK YOUR DOORS. MAY MGA PAGKAKATAONG DADALAWIN NALANG BASTA TAYO NG MGA TRAHEDYA. #PRAYFORTHEWORLD 

Follow me on Instagram: cheschuz 

Follow me on Twitter: @skippysunflower || 

--


THERESE. 

I'm on my way to Ateneo de Manila na para sa reunion ng batch namin. Actually, pwede naman talaga magsama ng chaperone, pero hindi ako nagsama. Duuuh? Magdadala pa ba ako ng palamunin? Joke lang, masyado lang akong excited kasi napakaganda ko. Sana talaga mahalata ni Jhoana kung gaano ako kaganda at kahit anong pagpapaganda nya e, hindi nya malalagpasan ang ganda ko. 


Alam nyo, nagulat talaga ako sa naging transformation nitong si Jho eh. Nung una nga talaga, hindi ko sya nakilala. At akalain nyo yun? Siya pala si Miss J?! Grabehan lang, hindi ako makapaniwala. Asus, ginayuma nya siguro yung bonggang branches. Alam ko talaga ginayuma lang nya yung mga yun e. 


"Kuya, dito na po." at ibinigay ko na ang bayad ko sa taxi driver. Oo, pang-commute nalang muna ang ganda ko. Mararating rin natin yang pakotse kotse na yan. 


~Maddie Madayag calling...~ 


"Hello, Mads?" bungad ko sa kanya. 


"Bakla, where are you na?" sagot naman nya. 


"Ah, andito na ako." sabi ko. "Ibababa ko na, Mads. Magkita na lang tayo dun sa table, okay? Bye." sabi ko at saka ibinaba ang linya. 


Pagkapunta ko sa Ateneo Grade School Grounds (E/L: Ipagpaumanhin nyo ho, hindi ako Atenean/Atenista **kung anong tawag nyo lol haha**) parang nag-flashback lahat ng nangyari noong college ako. Hindi ako nag-high school at elementary dito kasi all-boys talaga. 


Naalala ko kung paano ako nakapasok dito sa Ateneo, siyempre nag-take ako ng ACET, wag kayong pilosopo. Ang ibig kong sabihin ay kung paano akong nakapag-aral dito sa kabila ng kahirapan namin. Mga ateng, hindi basta basta ang tuition fee rito. Kailangan mo ng 180k para sa isang buong year.. Eh kung sa totoo nga lang, puwede ka nang magkaroon ng negosyo dun sa isang taon lang na pampaaral mo.. 

The Ugly Duckling (Jhobea Fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon