13: Meet my new enemy; Jhoana.

2.4K 52 2
                                    


Hello po! Thank you po sa suporta! Maraming salamat po sainyong lahat. God bless you all! 




JHOANA. 


Asan kaya si Kib? Andito crush niya e, hahaha! Nagtataka ba kayo kung sino crush niya? Aba, syempre, si Therese! Magtaka kayo kung ako maging crush nun, sus! Hahahaa. 


"Gasul!" sabi na nga ba't nararamdaman ko na ang bagyo na papalapit e. Eto nanaman po siya, si Super Typhoon Kib Montalbo, ang air con ng bayan. 


"Oy, unggoy! Tagal mo naman, 2 PM sharp ang usapan ah? Ano oras na?!" kunwari, galit naman daw ako, para ilibre niya ako bilang kapatawaran hahaha. 


"1:49 pa lang ah?" puzzled niyang tanong. "FAILED! Hahaha!" humagalpak siya sa tawa nang magets niy yung ibig kong gawin sa kanya kanina. Hays, palpak nanaman ako. Kahit kailan talaga, di ko maisahan ang unggoy na 'to. 


"Tse! O sige, halika na nga, gutom na ako!" sabi ko tapos tumingin kay Therese. "Trey, una na kami ha!" sabi ko sa kanya tapos nag-wave ng kamay. 


Noong on the way na kami sa McDo, bigla ba naman akong binatukan ni Kib. "HOY ANO BA?" sigaw ko, kagulat naman kasi siya. *insert Bilog's voice* Mama, si Kib, nambabatok! Nagso-soundtrip lang ako dito, pa-epal! 


"Ang aga mo manghatak! Di ko pa nakakausap si Therese my crushzxc!" nag-akto pa siyang parang bakla. Hays, kaya nga minsan natatanong ko nalang kung lalaki ba talaga 'to e. 


"Jejemon ka! Hahaha. Eh, sa nagugutom na ako ye!" sigaw ko pabalik sa kanya. Aba, alam niyo namang ang motto ko eh, 'Kain muna, bago landi'. 


"At dahil diyan, ili-libre mo ako!!!!" sabi niya. 


Syempre dahil di nagpapatalo ang dila ko, nakipag-bangayan rin ako. 


Nag-bangayan lang kami hanggang sa makarating kami sa McDo. 


**



THERESE. 


"Therese, pwede bang patulong dito?" nakakunot-noong tanong saakin ni Bea. Halatang problemado ang loko.


"O'sige, ano ba 'yan?" tanong ko. Kanina pa kasi siya mukhang pinagsakluban ng langit at lupa habang ini-scan yung mga folders na ipinasa ng mga year representatives na mga proposal para sa Valentine's week. 


"Nakakaloko kasi 'yung mga proposals ng mga reps, halatang mga bitter yung dalawang pair, tas yung dalawa naman, pinaglihi ata sa asukal at sa mais sa sobrang corny, tas yung isa naman na pair, walang kabuhay-buhay yung proposal." Napa-iling nalang ako habang tinitingnan yung reaction niya habang ini-scan uli t yung mga folders. 

The Ugly Duckling (Jhobea Fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon