19: It's been a while, Therese.

2.1K 48 0
                                    


JHOANA. 


"Jaja, sino yang kausap mo, aber?!" narinig kong pasigaw na tanong ng isang taong....


Wait...

Kilala ko yong boses e.

No, di ako pwedeng magkamali. 

Kilalang kilala ko talaga. 


"Oh, Miss J!" masayang bati sa akin ni Therese, at akmang ibe-beso ako. 


Agad naman akong naka-iwas. Eww, mahawaan pa ko ng ka-ahas-an nya ay? Haler. "Yes, it's me." prenteng sabi ko at tsaka medyo dumistansya sa kanya. "By the way, boutique mo 'to?" I smiled. 


Alanganin naman syang sumagot. "Ah... yes, of course. Mukha bang hindi?" Iritable na ang tono nya ngayon. Hahaha. Oh, wait, Therese. Napaghahalataan ka na, easy lang. 


Napangiti ako. "Oh, really?" I smiled as I raised my delicately plucked right eyebrow. "Then, paano naging Jhoana's ang name ng boutique na 'to, and not Therese's?" natatawa kong tanong sa kanya. 


Nagmukha naman siyang uneasy. "W-wait.. Paano mo nalaman ang pangalan ko?" tanong nya. 


"Edi sa kanya." tinuro ko ang walang imik na si Jaja. Napipi na yata, sa sobrang intense ng atmosphere sa pagitan namin ni Therese. "Oh, and by the way, mauna na ako. May kailangan pa akong gawin eh." Ngumiti ako sa dalawa. "See you soon, Ja!" ....at iniwan ko nang clueless yung 'owner-manager' kuno ng boutique KO.


*** 


*tok tok tok* 


"Sino yan..." malakas ngunit nakapikit ko pa ring sabi sa kumatok sa pintuan. 


"Kib 'to." tumatawang sagot nung tao sa labas. 


"Pumasok ka na..." nakapikit ko pa ring sabi. 


"ANO BA YAN?!" napasigaw ako nang tumama sakin yung folder. 


"Folder. Gumising ka na kasi, sleepyhead!!" natatawang sagot ni Kib. 


"Lumayas ka na nga! Istorbo ka sa tulog ko!" pagtataboy ko sa kanya. 


"Okay, sabi mo eh. Nga pala, yung company ni Bea, hindi mo na mapapabagsak kung di mo ako kakausapin ngayon! Hehe." sabi nya at nag-akmang lalabas na sa kwarto ko. 


"Hey, Kib!! I'm sorry, okay?" pairap kong pag-hingi ng apology sa kanya. 


"Okay! Hahaha." sabi naman nya at bumalik sa tabi ko. 


"So, ano nga yun? Pa-suspense ka pa eh!" inis kong sabi sa kanya. 


"Kasi nga... hindi ko kayang bilin nalang basta-basta yung mga stockholders ng kumpanya ni Bea. Masyado silang matitinik, nakakainis. Kaya nga kakailanganin natin ng isang BABAENG magaling mangumbinsi." sabi naman nya sakin. 


"O, edi maghanap ka. Problema mo yang ganyan! Binabayaran naman kita, oy." Inis kong sabi. Totoo naman kasi! Nako, bwisitin nyo na tlaaga ang lasing, wag lang si Jhoanang bagong gising. 


"Urgh, oo nga. Nakahanap na nga." sabi naman nya, na naiinis na rin sa inaasta ko. So? Pake ko? char! Haha. 


"Eh, nakahanap ka naman na pala, bakit mo pa pinapa-problema sakin at inistorbo mo pa ang pagtulog ko? Nahihibang ka na ba? Alam mo naman sigurong ayokong ginugulo ang tulog ko." Pa-irap kong sabi sa kanya. Totoo naman kasi, sa tagal ng napagsamahan namin, di pa ba nya ko makilala? 


"Humihingi ako ng permission mo, duh? Di ba obvious?" nang-iinis na tanong nya. 


"Kinnerm, Kib. Sino ba yan kasi?" tanong ko pabalik. 


"Alyssa C. Valdez, 23 years old. Birthplace, San Juan, Batangas."  Daming sinasabi nito, pangalan lang naman hinihingi ko! Wait... parang familiar yung pangalan nya ah... Ah, baka kapangalan lang.


"Sinabi ko bang gawin mo 'kong slam book? Nahiya ka pa, di mo pa sinama yung favorites nya, pati yung talambuhay nya." inis kong sagot. 


"Aba, bi-binggo ka na talaga sa'kin, Jhoana!" inis na rin nyang sagot. 


"Under anong letter ba?" pang-iinis ko pa. "Aba, Kib, 'di mo naman nasabing Binggo-han master ka pala. Pabalato naman ng binggo cards, o? Tsaka papulot na rin ako ng mga bato." tumawa ako, nang mainis pa lalo. O, binabalik ko lang ang pang-iistorbo nya sa tulog ko. 


"Okay." sabi nya at napa-kamot nalang ng ulo. 


"Yung totoo, Kib? Gaano karami garapata mo sa ulo mo, at lagi kang nagkakamot ng ulo kapag natatalo ka sa usapan?" pang-aasar ko pa lalo. 


"Ewan ko sayo, Jhoana. O, eto yung number ni Alyssa. Aalis na ako bago pa man ako tuluyang mainis sayo, nako talaga! Pasalamat ka gwapo ako at nililibre mo ko palagi." sabi nya at naiinis na nilayasan ako. 


Whahahaha! Pano ba yan, Kib? Never ka na 'atang mananalo sakin. Hahaha. Sino ba kasi 'tong si Alyssa? At Bakit naman napaka-aarte nung mga stockholders ng kumpanya ni Bea at ayaw pabili ng stocks? Tsk. Dagdag bayad pa tuloy. 


09********* pala yung number nya. hays, makipag-meet up na nga lang ako bukas sa kanya. Kainis. Matutulog ako muna at manonood ng Kdramas maghapon! woohoooo! 


To: Alyssa Valdez

Hey, ako to, si Miss J. Ako yung nangangailangan

ng tulong mo, para pilitin yung stockholders ng

kumpanya ni Bea. Meet up tayo bukas, sa *****,

1 PM sharp. Don't be late or else.... Thank you. 



Sent! 


**** 


Hello po, salamat po sa paghihintay. :) Godbless you, guys! 

The Ugly Duckling (Jhobea Fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon