17: Remembering the past

2.3K 60 7
                                    


JHOANA.



"Friend, 'yung gown ko ha!" WAAH! Ano ba naman 'tong si Jules, kita namang focused na focused ako sa pagde-design eh. 


"Ano ka ba naman, Jules. Kitang rush 'tong ginagawa ko, eh." Tiningnan ko siya nang masama. 


"Oo na, friend. Sorry na hihi. Yung gown ko ha?" Tinaas-baa niya kilay niya sakin. 


Tiningnan ko nalang siya nang masama at tumango. Hay, buti pa 'tong frenny ko, ikakasal na in 3 months. Kanino? Eh di kay Kib! Bwisit itong si Kib, akala ko pa naman si don't-you-dare-mention-her-name yung crush niya dati, 'yun pala, si Jules. Akala mo mabangis na hayop kung makapanlait kay Jules noon e, tas nung graduation daw ni Jules, tsaka gumawa ng malaking eskandalo at nag-propose ba naman ba naman sa harap ng maraming tao? Tss! Kainis. Mga pabebe, ginawa pa akong tulay. 


Masyado na akong nas-stress dahil naalala ko nanaman yung past ko. Kainis kasi si Jules at si Kib e, nakaka-bitter. Hmm. Lalabas na nga lang muna ako para magpahangin. 


"MISS J!! MISS J!! WE LOVE YOUUU!!!" nabingi ako sa sigawan ng mga tao sa labas ng building ng kumpanya namin. Napatingin ako sa kanila, ngumiti ako nang napakalawak, yung mas malawak pa sa noo ko. Ay sorry, self, nasaktan nanaman kita. Eh kasi naman, mga fans ko pala yun, may mga dalang banners, tarpaulins at kung anu-ano pa e. 


Marahil ay nagtataka kayo kung nagbibiro lang ba akong marami akong fans. Well, hindi. Kainis kayo, porke ba pangit ako DATI?! Alam nyo, ako kasi ang Miss Universe ng kasalukuyang panahon. 


Joke lang, syempre. Eto ang totoo: isa akong sikat na model at fashion designer dito sa Los Angeles, CA. Oo na, hindi na kapani-paniwala. Pero kahit anong gawin nyo, TOTOO PA RIN! Mwhahahaha! Pero walang nakaka-alam ng identity ko dito. Tanging pamilya at VERY CLOSE friends ko lang ang nakakaalam ng tunay kong pagkatao. 


*kring kriiiing* 


Si Kib pala. 


"Hoy." pambungad ng mokong sa akin. 


"Wala akong pera. Tsaka ka na mag-palibre." Ibababa ko na sana ang tawag nang biglang may sabihin siyang ikakamatay na niya kung nandito lang siya ngayon sa tabi ko. 


"Ayieee. Paano ka naman mawawalan ng pera, eh halos magkapalit na kayo ng mukha ng mga works mo kakasubsob mo para lang madama nila Therese, Maddie at Bea ang paghihiganti mo sa... kelan nga ba? Ay bukas na nga pala ano? Hehehehe." tumawa pa sya ah. Kung pinagsasapak ko kaya sya? Hays! Kainis talaga 'tong lalaking 'to. 


"Tsaka ano pa nga pala yung sinabi mo noon bago ka umalis... yoong----" pinutol ko na ang nais pa niyang sabihin bago ko pa siya idamay sa maitim kong plano. 


"Osige, ituloy mo pa, Kirell Brahndon Montalbo! Subukan mo at hindi matutuloy ang kasal nyo ni Jules." pagbabanta ko sa kanya. 

The Ugly Duckling (Jhobea Fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon