5: I THINK I'M IN LOVE!

3.1K 74 7
                                    


JHOANA. 



Nagbabasa ako ng The Diary of a Wimpy Kid nang may lumipad na face towel sa mukha ko, kasunod ang lumilipad na bottle ng...... PONDS?! Ano 'to? Lokohan lang? Porke ba parang connect the dots ang mukha ko sa dami ng pimples, ginaganyan na'ko? 



"O, ayan, binilhan na kita ng ponds. Sana naman ramdam mo nang mahal na mahal kita dahil dyan ha." tumatawang sabi ni Bea tsaka umalis ng unit. 



Argh! 'Yung babaeng 'yun talaga, magmula no'ng nag-live in kami, lagi na'kong pine-peste! Naks, live in! Big word naman, double meaning! Char! ahahah! Pero ano raw.... 



Sana naman ramdam mo nang mahal na mahal kita



mahal na mahal kita 



mahal kita 



"LANGYAAAA BAT AKO KINIKILIG?!!!!" sigaw ko, tutal wala namang ibang tao rito dahil umalis si Bea eh. 



Ano?! Ano'ng sabi ko? Kinikilig ako? Hindi ah, nako! Mali ang nasabi ko! Nagsisinungaling ang dila ko! Waaaah, sinungaling na ang dila ko!!!! 



*toink* 



"Aray naman! Sino ba yan?!" sigaw ko, pero biglang meron akong na-realize na wala nga palang ibang tao rito.... 



"Ang ingay mo! Natutulog ako dito, oh!" sabi naman no'ng nanapok sa'kin. 



"Ay, Jules.... a-andyan ka p-pala...." uneasy kong sagot kay Jules. Eh, paano ba naman kasi, paanokung narinig nya yung kabaliwan ko? P-pano kung mag-assume siya na si Bea 'yung tinutukoy ko? E, pinsan pa naman ni Bea 'yang si Jules...nako, yatap tayo diyan! 



"Tss. Pati ba naman ikaw, kinalimutan na ako... Char! Pero oy ha, sino 'yung kinakikiligan mo, ha? Si Bea 'yun ano? Ayieee, sinasabi ko na nga ba't may nararamdaman ka na para sa kanya, eh!" kiniliti nyako after nyang sabihin 'yan, tapos tumawa siya. 



"Oo nga eh. Di ko rin alam kung paano----" nagulat ako sa nasabi ko. Shems, sinungaling talaga 'tong dila ko na 'to!!! 



"Waahahah! Sabi na eh, sige, don't worry, Jho. Secret lang hehe!" sabi nya tapos nag-peace sign. Aba. "Sige, tulog na ulit ako a. Hihi." sabi nya tapos bumalik ulit sa pagkakahiga. 



Aish! Ano ba naman 'tong napasok kong gulo? Tsk, tsk. Lagotttt! 



So, yun, imbes na ituloy ko ang pagbabasa, pinakialaman ko nalang yung binigay na ponds ni Bea sa'kin, KAHIT SOBRANG NAKAKA-OFFEND. 



Pumunta ako sa CR, at doon ko kinausap ang mga pimples ko. 


"Hoy, mga pimples... makinig kayo sa sasabihin ko ha." sabi ko at hinawakan ang aking mga tigyawat. "Alam nyo namang lahat ng minamahal, nawawala diba? Kaya nga mahal na mahal ko kayo eh. At parang awa n'yo na, iwanan nyo naman na ako, oh. Ayoko na sa inyo. Pwede bang pakawalan nyo na ako dahil kanina ko lang kayo mahal. Paano ako mamahalin ni Bea kung lagi kayong nasa mukha ko?" malungkot kong tiningnan ang mga pimples ko sa salamin. "Maawa naman kayo sa'kin please. Nagmamakaawa na ako sa inyo." muli kong sabi sa mga pimples ko. 



Seryoso ako guys. Ang hirap hirap ng araw-araw ko, makita ko lang ang mga tigyawat ko. HUHUHU. 



:((((((((((((( 




BEA. 



Ba't ganun? Ba't parang mahal na mahal ko na nga talaga siya...... ang sarili ko. He he he! Sorry, guys. Pusong bato since 2010 'to. Iba talaga pag nasaktan. Tsaka dapat naman kasi tlaaga hindi na ibinabalik pa ang mga nakaraan na. 



Jokeee! 



Anyway, balik tayo sa reality. Reality na hindi ka na tatangkad. 



everlastinghood: Aray ko ha! Umayos ka, Bea, kung ayaw mong iba makatuluyan ni Jho! 



Luh, si everlastinghood naman, o, di ka naman mabiro!! He he. 



Anyway guys, balik ulit tayo, seryoso na. Pwede bang bigyan n'yo ko ng signs ng pagiging in love sa comments? Please, guys? Gusto ko talagang ma-confirm itong nararamdaman ko ngayon eh. 



Eh kasi naman, parang gusto ko, eh, lagi kong kasama si Jho, kahit na ang dami niyang pimples at ang liit nya at ang taba nya. Parang gasul lang na color black tas maraming pimples? De joke lang, pero kasi talaga ayaw ko rin na may iba syang kasama maliban sa akin e. 



In love ba ako o talagang gusto ko lang syang insultuhin lagi? Comment naman kayo, please! Help me, guys! Huhu. 






*** 


Author's Note 


Hello, guys! Pasensya na po sa matagal na update tapos ang pangit pa haha. Sorry po talaga, ta-try kong humugot ulit ng bagong ideas next time hehe. Anuna guys? In love ba tlaaga si Bea kay Jho o ano? 

The Ugly Duckling (Jhobea Fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon