Part.1

56 2 3
                                    

Ganito pala yun, noh? Yung parang ang bagal ng oras na mabilis, yung tingin mo naeexcite ka na kinakabahan na nayayamot sa kakaantay. Sobrang sabik na sabik na akong makita siya, kung bibilangin ko sa punggok kong mga daliri...uhm, bale sampung taon na din ng huli kaming nagkita, nagkausap at nagkasama. 

Ako? 13years old palang nang lumisan silang magpamilya at tumungong Canada, kesyo maganda daw ang takbo ng business ng mga magulang niya at magaan daw ang buhay nila dun. Siya naman, 14years old na nun, kaya naman madalas tawag ko sa kanya eh, "KUYA". Kahit pa sabihin niyang isang taon lang naman ang agwat nang edad namin sa isa't isa. Isa pang MAAARING dahilan kung bakit ayaw niyang tawagin ko siyang kuya eh....

*flashback*

"yatot!"

"mukha mo yatot, kuya!"

"wag nga kasi kuya!" at ginulo niya ang nakaheadband kong buhok.

"ano ba yaaan! bakit ba?!" 

"kasi..basta!"

"basta? Maniwala ka diyan, Ysa. Crush ka niyan!" sigaw nung kakambal niya habang nagbibisikletang dumaan samin. 

*end of flashback*

Kaya ayun, pero di niya naman sinabi kong totoo eh, kaya bawal mag-assume. Pero kung ako tatanungin, crush ko siya, eh bakit ba?! hanga lang naman eh, diba? atsaka isa pa, NOON yun. Simula nung pinagtanggol niya ako sa mga bata ding babae na kalaro namin sa village nung maliliit palang kami. Parati kasi akong inaaway nang mga babae dun, kaya tuwing hapon, one of the boys ako, kung nasan ako andun siya ay este kung nasan siya andun ako. At yun ang una at huling beses na cute siya sa paningin ko. HAHA

Tuwing nasa school naman kami, siya ang tinuturing na pinakalampa sa lahat, pano ba naman kasi, parati siyang nadadapa kapag naglalaro kami ng patintero, kung hindi nadadapa, parati siyang natatamaan sa larong breeze or tide, napakabagal kasi. Parati siyang taya, tapos parati ding kulelat sa school. Hindi nag-aaral nang maigi. Napakapabaya.

"Ysa! Andyan na!", sabay tulak ni Ate Yna sa'kin. Kasabay ng pagtulak niya ay ang kawalan ko ng proper balance. Oha proper balance! Big word! haha so ayun dahil sa nawalan ako ng balance, natamaan ko yung bata sa tabi ko. Hindi lang siya bata. Isa siyang kid, a foreign child. 

Halaaa...nasaktan ko ata, kitang kita sa kanyang mapupungay na mga matang kulay asul na naiiyak na siya, namumuo na ang mga luhang maya-maya ay papatak na, ang kanyang mga pisngi na puno ng pekas ay namumula narin. "halaa...baby, I'm sorry…did I hurt you?.... Don't you cry, please?" napahalf-kneel ako para mas makaharap ko ang tisay na bulilit ng maayos sabay himas sa kanyang blondeng buhok na nakaribbon na kulay berde.

"Halaaaaa..Hala ka, Ysa! Anong ginawa mo?" paninisi ni Ate Yna sa'kin. Agad ko nalang siyang tinapik, siya kaya may kasalanan, siya ang nanulak. Napaka!

Maya-maya pa nagsalita ang tisay at sinundot ang kanang pisngi ko,"It's ok, I'm K, Bye bye", sabay flying kiss na naka-closed fist. At tumakbo na siya patungo sa isang MR.Forendyer. Ang cute :") tekaa..She's K? or does she mean she's ok? :") ehe HAHAH 

Hindi pa sana ako matatauhan kung hindi lang ako binatukan ni ate."Aray naman Ate, diba!" Hay naku Napaka-sadistang babae -_- Pasalamat siya at sinamahan ko siyang magsundo dito, naku kung hindi mag-isa siyang maghahanap at mag-aantay. 

AirplaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon