“Passengers of Flight PR124, please proceed to gate 117 for your boarding.Thank you and have a good flight, everyone”
Ayan na ang call ng flight ko, eto na talaga, aakyat na naman ako ng eroplano…Mas malakas pa ata sa makina nitong paliparang sasakyan ang kabog ng dibdib ko sa kaba, tuwa at pananabik na Makita silang lahat. Kagaya ko, nananabik nadin kaya silang makita ako? Ang tanong, susunduin kaya nila ako?
Matapos ng mahaba-habang biyahe ko ay nakalapag nadin sa wakas ang eroplano sa pilipinas. Eto na talaga. Kinuha ko na ang bagahe ko, at lumabas nadin, tumingin tingin ako sa waiting area, baka andun sila nag-aantay sakin. Papalapit ako ng papalapit sa waiting area pero ni isang anino ni mama o papa, ni Ate Yna, ni Mike o ni Luke wala akong nakita. Nakatingin lang sakin ang ibang nag-aabang na parang nakakita sila ng artista, naka-nganga at napakunot-noo. Siguro iniisip nila kung sinong artista ako kahit hindi naman talaga, so ibig sabihin nito may kamukha ako. Hahaha nakuha ko pang aliwin ang sarili ko sa sitwasyon kong ito. Sa sitwasyon kong walang nag-aabang sa pagdating ko. Akala ko pa naman…
“Ysaaa!!”
Bigla akong napalingon at nakita kong tumatakbo si Ate Yna papunta sa kinatatayuan ko.
“Ate?...Atee..! Oh my gee, tumaba ka ng konti hahah” pang-aasar ko sa kanya habang siya nakanganga naman at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
“Ysa…anlaki ng pinagbago mo…next time sasama nako sayo para magmukha akong ganyan!....Anyways halika nga dito..namiss kita ” at niyakap niya ako ng mahigpit. Pareho kaming nakaheels kaya height doesn’t matter.
“wait…Ate, asan sila? Ba’t ikaw lang? ” tanong ko sabay silip sa paligid baka naman nagtatago lang sila kung sa’n san.
“si mama, papa nasa bahay naghanda…si Leovic at Luke naman may trabaho ngayon sa kumpanya nila…ay Oo nga pala…sila tito at tita bumalik na from Canada…Si mike? You wouldn’t believe me…may girlfriend na siya! At isang commercial model…oh diba?” panay kwento lang si ate habang inaalalayan niya akong maglakad papunta sa parking lot. “at ako naman? Guess what Ysa, I was promoted! At….”(huminto kami sa isang sasakyan, tatak mazda) “charaaaaan eto na ang kotse ko…monthly payment yan..maganda ba? What can you say?”
Grabe andaming nangyari ng umalis ako, lahat sila may kanya-kanya nading propesyon, parang andami kong namiss na pangyayari. Tinulungan ako ni Ate na maglagay ng mga bagahe ko sa compartment. “so, marunong kana magdrive ate? Kelan pa?”
“uhm, mga apat na buwan na ata ang nakakalipas simula ng matuto nakong magdrive….tara”
At sumakay na nga kami, buong biyahe kaming nagkkwentuhan tungkol sa mga nangyari sa kanya, at ganun din ako, syempre sa loob ng dalawang taon masyadong madami kaming topic sa isa’t isa kaya di rin namin natapos agad kasi dumating na kami sa tapat ng isang malaki at magarang bahay.
“wow ate? Sa’n tayo?”
“sa bahay”
“bahay?”
“yep…atin yan! Pinagipunan natin yan, right? Ayan na Ysa, ganda diba?”
At napaluha na ako, hindi sa nalulungkot ako dahil sa wala na yung dati naming bahay, kundi sa tuwa…tuwa na nagkatotoo mga pangarap namin ni Ate Yna simula sa propesyon at bahay.
“Ate…ang gandaaa…it’s too much”
“sapat lang yan sa mga pinaghirapan natin…ay Oo nga pala, may ipapakilala ako sayo.” Sabay ngiti at pumasok na kami sa bahay..I mean sa bago naming bahay.