Part.4

19 2 1
                                    

Maaga pa akong nagising bago tumunog ang alarm clock ko, duty ko ngayon at siyempre kelangan mabilis akong kumilos. Sila mama at papa mahimbing pa ang tulog, samantalang si Ate Yna naman ay nakatapat na sa pc, alas-kwatro palang.

“aga mo ah”                           

“ikaw din, aga mong nakatapat diyan”

“Oo eh, may report ako mamaya, sana maapprove yung proposal ko” pangungunsumi nito. Nagtatrbaho kasi si ate sa isang kumpanya, at Oo posibleng mapromote siya kapag maaprubahan ang proposal na sinasabi niya.Naku! Kaya naman pala maagang bumangon. “Ikaw, ba’t ang aga mo? Diba alas-otso pa time in mo?”, tanong naman nito

“di ko nga din alam eh…excited?” pagtataka kong sagot at dumiretso na sa banyo para maligo, pagkatapos nag-ayos at nag-almusal na din. Saktong 6 ng umaga, ready to go nako. Pero masyado pang maaga para umalis, alas-otso pa yun eh. Mga 7 ako umaalis ng bahay, di naman gaanong malayo ang coffee shop. Sana nga eh, matanggap na yung application ko sa Europe. Para naman dun na ako magtrabaho at hindi ko na kailangan pang magtiis sa coffeeshop at Makita ang pagmumukha ng manager namin na di na ata ngingiti hanggang sa huli niyang hininga. Pano ba naman kasi lagi nalang nakabusangot. Tatamarin ka talagang magtrabaho dun, pero siyempre kelangan kong magtiis para may ipon ako pag pumunta nakong Europe at may pang-stay ako dun, diba?  Merong isang hotel dun kung sa’n naka-assign ang tita namin, at nag-patulong akong ipasok bilang events organizer. Bata palang ako, yun na talaga ang gusto ko, simula ng makita ko  yung mga magaganda at magagarbong pagplano sa kasal, debut, at sa iba pang okasyon. Ngayon, wala paring balita eh, magdadalawang buwan na nga nung nagpasa ako ng requirements. Sana dumating na yung approval.

“tao po!”

Napatayo ako sa kinauupuan ko at sinilip kung sino ang nandun sa labas, masyado naman atang maaga para sa mga bisita. Lumabas ako ng bahay at nakita kong nakatayo si Luke. Naka rubbershoes, dri-fit shirt at nakajersey shorts. Napangiti siya ng makita niya akong nakapag-ayos na.

“aga mo ah…yayayain pa naman sana kitang magjogging” sabay kamot nito sa batok niya. “aalis kana ba yatot? Hatid nalang kita sa kanto”

“maya-maya pa eh…magjogging kana muna” at isasara ko na sana ang gate pero pinigilan niya at pumasok siya sa loob ng walang pasabi. Sumunod nalang ako sa loob at nakita ko siya dun nakaupo, hinahalungkat ang bag ko. At ng Makita niya ang wallet ko, tinignan niya ito sa loob.

“walang laman yan” panggugulo ko sabay agaw ng wallet ko.

“akin na, may hinahanap ako eh” pag-aagaw nito. “nasayo pa ba yung picture natin?” mahina niyang tanong.

Babarahin ko sana siya pero nakita kong seryoso yung mukha niya, kaya sinagot ko siya ng maayos at binalik ang wallet ko sa bag, “Oo, nasakin pa”

“eh ba’t wala diyan? Di ko nakita”

“wala naman talaga dito eh, nasa kahon”

Bigla nalang siyang sumimangot at umupo na parang bata, nag-isip at tumayo agad. “antayin moko ah? Hahatid kita” sabay ngiti.

Hindi ko alam kung anong meron ngayon ba’t siya ganun, pero sinunod ko nalang ang sinabi ni Luke. Umupo nalang ako at nag-antay, maya-maya bumaba na sila mama at papa nagkekwentuhan na parang di nila ako nakita, at dumiretso din sa kusina. Alam na alam nilang napagtimplahan ko na sila ng kape, umaalingassaw ba naman ang amoy nito. Si ate Yna naman naririnig kong sumisigaw sa sobrang pressure. “kaya mo yan, Ate YNA!” sigaw ko sa kanya. “sanaaa” sagot naman nito.

AirplaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon