Nasa bahay ako ngayon nila Leovic at Luke kasama si Ate Yna. Nagyaya kasi ang dalawa na lumabas kaya eto, bihis na bihis. Akalain mo yun, kami pa mismo ang nag-aantay sa kanila na matapos magbihis, palibhasa kasi sila ang may sasakyan. Hahah Nakakahiya namang magpasundo kami, diba? At isa pa, sampung minuto palang naman kaming nag-aantay dito. Maya-maya din ay bumaba na si Leovic.
Kumindat sakin si Ate Yna, at ngumiti, “Pogi” sabay tawa.
HAHA muntanga. Child abuse din to si ate eh, “tumigil ka ate ah, mas matanda ka diyan, child abuse ka!”
“shunga! Sinabi ko bang akin? Sayo diba? You look good together.” Sabay ngiting insulto.
“Pshhh! Ate!” sabay hampas sa balikat niya.
Ngumiti nalang si Leovic samin, mukhang narinig niya ang pinag-uusapan namin. Si ate naman kasi eh, kung di sadista, napakabungangera, mamaya isipin nitong si Leovic may gusto ako sa kanya. Todas na. Umupo si Leovic sa tabi ko at tinignan ako ng maigi. Ngumiti. At dahan-dahang hinawakan ang kanang pisngi ko. Siyempre windang ako sa mga pangyayari, dilat lang ang mga mata ko at nag-aantay sa sunod niyang move. (Haha parang ang sagwa pakinggan) Si ate naman, nasesense kong pigil na pigil na sa kakatawa. Maya maya pa ay unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko, tipong maaamoy niya ang expired kong hininga sa sobrang lapit ng itsura namin sa isa’t isa.
“hey! What are you up to?!”, sigaw nung lalaking nasa hagdanan.Sabay kaming tatlong napalingon kung sa’n nanggaling ang boses. At dun, nakatayo si Luke. At bumaba siya, papalapit samin. “stop that”, dugtong nito sabay kuha ng kamay ni Leovic na nakahawak sa kanan kong pisngi.
“dude, I was just joking around”, pangiting sabi ni Leovic. Tinignan ko ang reaksyon ni Luke at mukha siyang seryoso.
“okay! Tara na! awat na.” singit ni ate Yna, sabay tayo at hinila papalabas si Leovic. “kumilos na tayo”
Naiwan kami ni Luke sa living room. Ang kakaiba dito, Bigla siyang natahimikan at hindi ako matignan ng diretso sa mga mata.Konting katahimikan pa ang uminvade sa espasyong namamagitan samin dalawa ng igla siyang nagsalita, “why did you let him do that?”
Patay na. Inenglish na ako ni kuya. Wait. “do what kuya?”
Napayuko nalang siya at hindi ako sinagot. Hinawakan niya nalang ang kamay ko at inalalayan palabas ng bahay, pinagbuksan ng pinto sa kotse at pinasakay. Siya ang magmamaneho kaya hindi ko siya matanong tungkol dun sa nangyari. Bakit parang… alam mo yun, di siya napakali. Nasa front seat si Leovic, at nasa likod kami ni Ate Yna. At first, sobrang tahimik sa loob, tanging playlist ata ng Capital Cities ang nag-iingay sa loob ng Montero naming sinasakyan. Maya maya naman ay nagbibiruan na ang kambal na parang wala lang nangyari.
Ewan ko ba, ang gulo ng mga tao. Eh di fine, let’s pretend na walang nangyari. Hindi naman siya bigdeal, diba? Tahimik lang kami ni ate Yna sa likod, nakatingin siya sa labas, at ganun din ako. Tila baý may kanya-kanya kaming dinadamdam. Naririnig kong nagbibiruan sina Luke at Leovic, alam ko namang wala ako sa posisyon para mang-usisa, pero alam mo yun, nandun ka sa state na gusto mong makinig sa pinag-uusapan nila kahit pa, hindi ka naman talaga kasali.
Nakarating kaming mall, na hindi bumuka ang bibig ko, ganun din si ate, yung kambal nag-aasaran lang tungkol sa mga dumadaang matataba, payat, bata, magsyota, mga baduyan na porma, at sa mga binatang nakaitim, naka-shades tapos may swagger cap. Tawa lang sila ng tawa. Hindi nila alam, ganito na talaga ang fashion statement sa pinas.Ay ewan.
“Yatot, sa’n niyo gustong kumain?” tanong ni Luke habang nakatingin sa phone na parang merong itetext.
Oo, alam ko na yan, siguro itetext niya yung girlfriend niya. Gusto ko mang alamin ang lahat lahat tungkol sa syota niya kaso parang wala akong karapatan. Dating kababata ko lang naman si Luke eh, hanggang dun lang yun. Kung meron man sigurong umaasang may mararating pa ang relasyon namin sa isa’t isa, ako yun. Okay lang din, atleast masaya siya, siguro.