Dumating kami sa bahay nila Mike, madilim sa loob, nakababa lahat ng kurtina, kaya di makapasok ang sinag ng araw. Hinayaan ko nalang ito, malamang hindi naman umuwi mga magulang niya. Una, sumugal si Mr. Torres. Pangalawa, nakipagkita na naman si Mrs. Torres sa kalaguyo niya. Ganito kagulo ang buhay ni Mike, kasing dilim ng bahay niya ngayon, kasing blanko at walang kasigla-sigla. Inalalayan ni Luke si Mike hanggang sa kwarto nito samantalang naghanda ako ng maiinom niya at mainit na tubig para pampunas.
Kelan lang yun na andito ako sa kusina nila, tinutulungan si Tita(mommy ni Mike) sa paghahanda. Birthday kasi yun ni Mike, at inimbita nila ako. Parte na ako ng pamilya nila simula ng kinaibigan ako ni Mike. Simula ng dinala niya ako dito sa bahay nila para sa isang group study na ako lang ang pumunta. Masaya ang pamilya nila dati, walang bahid ng duda. Hindi ko alam kung bakit nagkaganun, kaya sa abot ng makakaya ko, ginagawa ko lahat para di niya mapansin na may kulang. Pinupunan ko lahat ng kwestyon sa buhay niya. Mag-iisang taon na atang ganito ang buhay ni Mike, kaya madalas pag wala siyang lakad, nasa coffeeshop siya, inaantay na matapos ang time ko. Kasunod nito ang paglabas namin kung sa’n niya gusto.
Kung ako ang tatanungin, malamang naiisip na ng mga taong nakakasalubong namin na magsyota kami. Bakit ko nga ba nasabi yun? Pano ba naman kasi, tuwing pumapasok kami sa isang store, pag pumipili ako ng damit o siya, parating sinasabing “tanong niyo po sa girlfriend/boyfriend niyo”, sabay turo sa akin o sa kanya. Kung hindi man, ganito naman ang sinasabi nila “bagay po kayo”. Nginingitian nalang naming dalawa ang saleslady at aalis. Pero merong mga ilang beses na, sinakyan namin ang mga akala ng tao. Nagpanggaap kaming kami, HHWW, at tipong kami talaga kung mag-usap.
“Yatot, iakyat mo na yang kape, lalamig yan diyan”. At naglakad na siya papalabas ng bahay. Naabutan niya na naman akong tulala at nag-iisip ng kung ano.
“wait…sa’n ka pupunta?”
“babalik sa mall. Sige, Ikaw na bahala sa bestfriend mo”. Sagot nito.
“ah..sige.ingat kuya”
“ge” sagot nito at lumabas na nga ng bahay at malakas na sinara ang pintuan.
Anyare dun? May nagawa na naman ba ako? Grabe. Di ko na matimpla ang ugali nung lalaking yun. Nawala lang ng sampung taon ganyan na siya…sa bagay…sampung taon nga pala yun…madami ng nagbago, sa kanya, pati din sakin.
Umakyat nako sa kwarto ni Mike. Pagbukas ng pintuan, painting ng picture naming dalawa ang bumungad. Graduation picture to nung highschool. At sa ilalim nun, ay isang mahabang divider na puno ng frames. Sa kaliwa at kanan nito ay ang litrato niya at nilang magpamilya, sa gitna naman ay puro mukha naming dalawa. Lahat ng first time na magkasama kami merong litrato, lahat yun andun. First time na outing together, first time dinner date, first time na magzipline, first time magbeach in sunset, first time sa skating rink, at first time makanood ng pyromusical. Andami pa, kabilang na dito ang first time niyang humawak ng ahas, at ako naman sumakay ng kabayo.
Hinayaan kong magreminisce ako ng sandali at inasikaso din Si Mike pagkatapos, si Mike na nakahilata, lasing at walang kamalay-malay. Tinanggalan ko siya ng pang-itaas at pinunasan ang kanyang katawan. Inayos ang kanyang higa at tinanggalan ng sapatos. Binuksan ang aircon, at hinayaan siyang makatulog ng mahimbing, halos pitong oras na siyang natutulog, ni ako nakaidlip nauna pang magising. As usual, lumamig na nga ang kapeng kanina ko pa tinimpla kaya bumaba ako ulit para ipagtimpla siya.
Pero Pagbalik ko, nakaupo na siya sa kama at minamasahe ang batok niya pati balikat. Nagulat siya ng Makita akong pumasok. Alam ko hindi niya inaasahang nandito ako para alagaan siya dahil sa nangyari sa coffeeshop. Pero andito padin ako, kasi alam ko kelangan niya ako at gusto ko siyang alagaan.