Part.5

22 3 1
                                    

Sa mga sumunod na araw, lagi akong hinahatid ni Luke sa coffee shop, at ng maglaon, sinusundo niya narin ako, naging suki na nga siya ng coffee shop eh, tuwing malapit na ang labas ko, Lagi siya ang huling customer ko bago ako mag-out sa trabaho. Akala ng kasama ko sa coffeeshop at ng manager naming laging nakabusangot eh, magsyota kami.

Ngayon, nag-aasikaso ako ng mga order ng ilang customer, kasama na ang order ni Luke. Hayun siya, nakaupo at nakatingin sa cellphone niya.

“Uy, Ysa…boyfriend mo? Laging andito eh..asan si Mike? Wala na kayo nun?” tanong ni Tintin (katrabaho ko)

“Pshh..hindi noh! Kababata ko yan, galing Canada bumalik lang dito ulit…tsaka si Mike, bestfriend ko yun. Loka ka” sagot ko sa kanya.

“kala ko pa naman, kayo ni Mike eh, reto mo ko dun” pagbibiro nito. Napangiti nalang ako sa kanya.

Di na nga dumadaan si Mike eh, halos isang lingo na din nung huli kaming magkita, huli ko siyang nakausap, eh yung nalasing ang loko na kinagalit naman nitong si Luke. Sa’n na kaya yun? Di nadin nagtetext eh. Di kaya busy lang sa trabaho niya. Hay ewan.

“oh eto na order nung kababata mo, tsaka…” inabot niya sakin ang tray na may coffeeshake at ngumuso. Sinundan ko yung direksyon at nakita kong out ko na.

“ah…sige sige..thank you… happy weekend tin” at pumasok nako sa quarters, nagtanggal ng apron at nagpalit ng damit at sapatos. Pagkatapos ay lumabas na ako, at kinita si Luke sa parking lot.

“Okay…tara..may pupuntahan muna tayo bago kita ihatid sa inyo ah?”

“saan naman?”

“bastaaa”

At sumakay na kami sa sasakyan at nagsimula na siyang magmaneho. Hinayaan ko lang ang katahimikan na iinvade ang biyahe namin, pagod ako eh, ayoko munang magsalita. Maya-maya pa ay nagsoundtrip nalang si Luke. “okay lang ba? I know you’re tired…how about let’s play a music” tumango lang ako sa kanya at yun na nga, nagpatugtog na siya. Pamilyar sakin ang kantang to eh.

Np: Instant Crush by Daft Punk ft. Julian Casablancas (click lang ang YT vid sa gilid para mapakinggan :)

Napapikit ako sa sobrang pagod, halos ala-singko nadin ng hapon. Buong araw din akong nakatayo sa coffeeshop, okay sana kung walang customers, eh hindi, andami kanina, lagi naman…kaya ayun laspag ang paa ko ngayon at pati nadin ang balikat ko sa kakahatid ng orders at kakalinis ng tables.

“Yatot…kamusta kayo ng bestfriend mo? Si Mike…tama ba?” mahinang tanong ni Luke

Kelangan ko bang sagutin yan ngayon? Okay. “uhm..Oo, si Mike nga..okay naman siguro..di na kami nagkita nun eh..namimiss ko na nga yung makulit na yun eh”

“ähhh..eh nung umalis ako yatot, did you miss me?”

Huwaw. Kung alam mo lang Luke, sobrang namiss kita. Bawat oras napapansin ko ang absence mo, napapaisip ako sa mga pwede o possible nating gawin kung di kayo umalis. Sa katunayan nga niyan, kahit pa kasama ko si Mike, naiisip ko na mas masaya siguro pag ikaw siya…na kasama ko sa lahat ng bagay…kung di lang sana kayo umalis…

“hey… did you miss me?”

“huh? Ah eh..Oo naman noh kuya”

“kuya?”

“I mean Luke J …Simula nung umalis kayo,… ikaw…sobrang nahirapan din akong humanap ng mga kaibigan, lalo na sa village natin, ni hindi nga ako lumalabas ng bahay eh…haha..sa school  naman…mailap ako sa iba, pero merong isa na pilit akong kinaibigan at kinilala…”

AirplaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon