Nasa Europe na ako ngayon, busy as usual. Kakatapos lang ng isang successful event, may kasunod na naman, hindi lang isa, limpak limpak. Nakapagschedule na kasi ang mga clients ko, kaya ang susunod na tatlong buwan ko ay fully reserved na. Hindi na nga ako nakakakain ng maayos eh, pwera nalang kung naiisipan akong yayain nga mga kliyente ko. Big event namin ang mga kasal. Priority ko din yun, kasi malaki ang kinikita ko sa mga ganung reservations.
Mag-iisang taon nakong nandito sa Europa, malayo sa pamilya, at kina Luke, kina Mike at kay Tintin. Marami nadin akong mga kakilala dito, halos lahat sila eh yung mga natuwa sa trabaho ko. Ilan sa kanila eh, sinasabihan na ako na kukunin ulit nila akong organizer. Nakakataba nga ng puso eh. Pero meron ding iba na hindi natuwa, yun yung mga panahon na nagkasakit ako at di ako makapg-isip ng maayos. Buti nalang at inalagaan ako ni tita. Mga tatlong kliyente din yung nadis-appoint sakin pero atleast sinabi ko namang babawi ako sa kanila next time, if kukunin nila ulit akong events organizer.
“Miss Ysa…tomorrow’s schedule is 4pm. ” sabi ng assistant ko at lumabas na sa kwarto ko.
Makakapagpahinga nadin ako sa wakas…makakapagrelax, magkakaron ng oras sa sarili, at oras para mag-isip. at eto, iniisip ko na naman sila mama, papa, Ate Yna, Mike at Luke. Buti nalang at may mga dala akong picture nila, kung hindi siguro makakalimutan ko na mga mukha nila. Naisin ko mang makapag-skype sa kanila eh, wala din akong oras, kung may oras man ako, busy naman sila. Ganito nga talaga siguro kahirap… buti nalang hindi ako sumagot ng Oo kay Luke. Kahit medyo nakakapanghinayang. Pero alam ko namang makakapag-antay ang panahon. Nagawa ko ngang mag-antay sa kanya ng sampung taon eh. Diba? Dapat siya din.
*flashback*
“ysa, nak..ingat ka dun ah? Tsaka galingan mo! “ bulong ng tatay ko, habang nakayakap sakin
“mamimiss ka naming ng sobra…pati ang pagtimpla mo ng kape tuwing umaga” mahinang sabi ni nanay
“ako din mamimiss kita…wala nakong masisigawan, masasapak, mababatukan…mag-ingat ka dun ysa” sabi ni ate sabay yakap
Di ko inaasahang sasabihin ni ate yun, alam ko naaawkardan siya sa mga ganyang usapan eh. Pero mas di ko inaasahan ang nakita ko, humabol si Mike at Luke. Unang lumapit si Mike at niyakap ako at may inabot na pictue. Picture naming dalawa sa loob ng airplane. First outing namin together.
“Ysa, honey...mag-ingat ka ah…mamaya mo na basahin ang nasa likod ng picture, okay? I’ll miss you” at hinalikan niya ako sa pisngi.
Agad namang tumitig si Luke at akmang aawatin na sana si Mike sa pagkakayakap sakin, napangiti nalang ako sa reaksyon niya. Ang cute eh.
Bago pa man siya humakbang papalapit sakin, niyakap ko na siya agad, halatang gulat siya sa kinilos ko pero wala na siyang magagawa, isa pa, pagbigyan na nila ako, aalis nadin naman ako eh. “Luke…I’ll miss you”, mahina kong sabi sa kanya
“I hate you”
“huh? why?”
“you make me miss you”
“aww…you don’t have to miss me Luke… I’ll be back like I never left.” At hinigpitan niya lalo ang yakap sakin.
“okay…just be back soon…I’ll wait.” At hinalikan niya ako sa noo, at nagngitian sila mama, papa, at ate yna, si Mike naman nakangiti lang pero halatang pilit at nagkukunyaring walang narinig.