Prologue..
"Bakit ngayon kalang? And what the fuck is this?" Mula sa paglalakad ay napatigil ako at iniangat ang tingin. Nakita ko ang picture nung hinalikan ako ni Xykel kanina.
"I didn't respond. Siya ang humalik sakin."
Napapaluha nalang ako. Alam kong hindi sya maniniwala sakin. Araw araw nalang ganito sya. Sa halip na sagutin sya, tinalikuran ko nalang sya dahil alam ko kung san papunta 'to.
"We're still talking Denise! Don't you just turn your back at me, you bitch! And you have the guts na magpahatid pa sa lalaki mo? May asawa kana, naglalandi kapa. Tangina!"
Hinila nya ng malakas ang braso ko dahilan para mapaatras ako sakanya. Naiiyak na ko, ayoko na. Nakakapagod na siya.
"H-Hewbert.. nasasaktan n-na ako,"
Nanlilisik ang mga mata niyang tinitigan ako. Galit na galit siya. Sabagay, ano pa bang bago?
"Talagang masasaktan ka. Hindi kana nagtanda! Kailan ka ba makukuntento sakin ha? Napakalandi mo talaga. You're such a whore!"
Hindi na ko nakapagtimpi pa sa mga sinabi nya at sinampal ko siya. Sa loob ng pagsasama namin wala siyang ginawa kundi saktan ako at sigawan ng masasakit na salita pero tiniis ko yun dahil mahal ko siya. Sa loob ng pagsasama namin, nagawa kong magsinungaling sa sariling kong mga magulang para lang pagtakpan siya sa mga pambababae niya, lalo na ang pananakit niya sakin! Pero ngayon, nagising na ko sa katotohanan. Natatawa nalang nga ako at nagpakatanga ako sa isang walang kwentang lalake.
Nag-ipon muna ako ng lakas. Di ko na kayang ikimkim pa ang lahat ng nararamdaman ko. Sawang sawa na ko.
"Ganyan na ba kababa ang tingin mo sakin para pagsalitaan ako ng masama kahit wala naman akong ginagawa? Hewbert sa tagal ng pagsasama natin nagbulag-bulagan ako. Tiniis ko ang pambababae mo! Kasi nga mahal kita e. Mahal na mahal, kahit na sobrang sakit para sakin basta masaya ka, masaya na din ako. Lahat tiniis ko. Kasi sabi ko na dadating din ang panahon na mamahalin mo rin ako. Pero kailan pa?" Hinawi ko ang mga pesteng luha na walang tigil sa pag agos. Ang hina hina ko!
"Hewbert kung ganito lang din ang isusukli mo at pagdadaanang hirap ko sa mga kamay mo, masakit man sabihin at isipin pero itigil na natin 'to please ayoko na, kung ayaw mo kong paniwalaan bahala ka! Tayo lang ang mapapagod. Gaya ko, napapagod na ko sa paulit ulit mong ginagawa sakin. Ni' minsan hindi ko naramdamang asawa mo ko. All this time wala akong ibang ginawa kundi mahalin ka ng tapat! Pero nakakapagod din pala pag nababalewala and this is too much! This marriage will never work anymore."
Nagulat ako nang bigla siyang namutla. Kitang-kita ang takot at sobrang kaba sa mga mata niya. No, Denise. He's bluffing. Napapikit nalang ako ng mariin. Natatakot lang siya na baka kapag nakalaya kana sakanya ay sabihin mo sa mga magulang mo ang nangyari.
"D-Denise, you can't do this to me! Fuck. You love me right?" Napailing ako at natawa. This time is the last. Ito na yung huling pagkakataon na sasaktan ko ang sarili ko.
"No. I can't love the man who can't love me or even respect me. I've had enough to all of this shits Hewbert! This is what you want right? Binibigay ko na ang gusto mo. Pinapalaya na kita."
At tuluyan na kong umalis. Sa kabila ng pagmamahal ko sakanya puro sigaw at masasakit na salita ang nakukuha ko sakanya. At ang masakit pa ni' hindi nya ko pinaniniwalaan, nakakapagod sobra.
Sa pag-ibig pala, kahit na sinasaktan ka na niya physically and emotionally ay mahal na mahal mo pa rin sya pero dadating pala yung panahon na susuko ka na lang dahil sa sobrang sakit na at pagpapahirap nya sa puso mo. Di ko inaakalang dadating ako sa puntong mapapasuko nalang ako.
»»»»»»»»»»»»»»»»»»
Author's Note:
Hello! Panibago na naman. Pero di ko pa naman natatapos yung 2 kong stories, gawa nanaman ako ulet. Haha, sorry talaga. Malikot isip ko eh.
P.S: Hindi ko po kayo ipipilit na basahin ang mga storya ko, ang sakin lang eh naeenjoy ko kung ano ang ginagawa ko. Sabihin nyo na ang gusto nyong sabihin, pero please sana wala namang magagalit sakin dito dahil gawa ako ng gawa pero napaka lame ng UD at napaka slow-updater ko pa. Pasensya na.
BINABASA MO ANG
A Hurtful Marriage
General FictionA Hurtful Marriage Copyright © All rights reserved.